Tuesday, April 24, 2012

paraiso





...binobomba ng tubig sa EDSA at Mendiola upang ipaglaban ang naaagrabyadong karapatan...papaano'y ibinubulsa ng mga namiminuno ang kakarampot na nga lang na salaping sa mga pobre sana'y nakalaan...isinusuka na ng taong bayan kapit tuko pa rin sa pwestong kanilang pinagiinteresan...paano'y di naman pagsisilbi sa bayan ang asam kundi ang maging diyos na makapangyarihan...

...kabi't kabila ang digmaan...ilang dekada nang nagaaway dahil lang sa prinsipyong ipinaglalaban...maggalangan na lang sana't magbigayan kapwa tayo mga nilalang ni Bathala na magkakapatid at di magkaaway...iba man ang relihiyon at kultura wag sanang magpatayan...

...hindi makatulog ng mahimbing kahit na nasa sariling tahanan papaano'y di na ligtas ang kapaligiran...nagkalat kasi ang mga taong kampon ng kasamaan...malingat ka lang saglit buhay mo't ari-arian ay parang bulang magpapaalam...di mo na maramdaman ang kapanatagan ng kalooban sa dami ng mga taong ang bituka'y halang...

...lumalabas sa mga lansangan bitbit pa ang kanilang munting mga anak para pukawin ang atensyon ng mga hari't panginoon ng lupa...tangan ang kanilang mga saloobiin na nakalimbag sa 'sandipang karton na nakapako sa kapirasong kahoy...kinakalampag ang kalderong tutong na kanin ang laman sa harap ng naglalakihang bulwagan upang ipagsigawan na ang kanilang mga sikmura't tiyan ay kumakalam...

...humihiyaw ng ubod lakas habang nakakuyom ang mga kamay...tumatagaktak ang luha't pawis sa ilalim ng  mala-impyernong init ng araw...hindi alintana mapasa panganib man ang buhay...pinipilit patibayin ang kalawanging yero na ginawang pangharang sa daan...nakikipagpatintero sa teargas at bala wag lamang maagaw ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting tahanan...

nakakalungkot, nakakapanghina...pero ito ang katotohanan...
wala na nga yata talagang paraiso sa Pilipinas kong bayan...

Wednesday, April 18, 2012

reyun-nyun









pagkalipas ng sampu o higit pang mga taon...o pare kamusta na? o mare kamusta na? ilan na anak mo? ilan na asawa mo? ako eto mayaman na, may kotse na nga ako e, kauuwi ko lang galing abroad, manager na kase ako dun ng kumpanyang pinapasukan ko...eto nga naninilaw na katawan ko dahil namili ako ng mga alahas para naman may mapaggastusan ako ng limpak-limpak kong salaping kinita abroad... relo, bracelet, sing-sing... ikaw kamusta na? mahirap ka pa rin ba? pagpag na ba ang kinakain nyo ngayon ng pamilya mo? sa squatters pa rin ba kayo nakatira hanggang ngayon? di ka ba naiinggit saken pare? kita mo naman lonta ko levis to pare... galeng "tate", 'tong yoyo ko saudi-gold to, di ka basta-basata makakabili nito mahal kasi to e...eto.. etong sapatos ko, kita mo? Lebron to pare...eto yung suot nya nung all star game, putsa pare kinse mil to, sapatos ko pa lang yan ha, ayos no? pero ikaw sa porma mo halatang mahirap ang buhay nyo, malamang tsuper ka lang ng traysikel anu? mahirap yan... kawawa ang pamilya mo...di mo ako gayahin, big-time na ko ngayon... asawa ko nakapagpapalit na ng mukha, mga anak ko sa exclusive school na nagaaral ngayon... tsaka marami na akong pera... "tinatawagan na po ang lahat para sa ating Grand alumni gathering, punta na po tayo sa proper places natin para makapagstart na tayo..." tara pare magsisimula na ang program, masaya to! makikita na ulet natin yung mga dati nating kaklase ten years ago...magenjoy tayo sa party... ULOL! HAMBOG KA! BAGSAKAN KA SANA NG ROCKET NG NORTH KOREA...YUMAMAN KA NGA UBOD KA NAMAN NG YABANG! subukan mo rin magtayo ng vulcanizing shop! PUNONG-PUNO KA KASI NG HANGIN SA KATAWAN MO! PAKYU!

hehehe...im not saying na lahat pero may ilan...

pic. by: flickr.com

Friday, April 13, 2012

ayos! (director's cut)






...alas-3 pa lang ng madaling araw gising na itong si Oniot, isinasakay na nya sa kanyang paragos ang mga gulay na inani mula sa bukid para itinda sa palengke ngayong araw, habang pasipol-sipol na nagkakarga ng mga gulay na paninda abala naman ang kanyang mahal na asawa sa paghahanda ng kape at almusal para makakain manlang bago sya umalis papuntang bayan para nga magtinda. Madaliang sumubo ng almusalan si Oniot at humigop ng mainit na kape, nang matapos makapagalmusal agad na isiningkaw ang paragos kay “Britney”, ang kanyang alagang babakla-baklang kalabaw. Bago umalis nagapaalam muna sya sa kanyang bana sa pamamagitan ng isang matamis na halik…“maaga kang umuwi ha, bumili ka na rin ng maiiiulam natin para mamyang gabi… mag-iingat ka sa byahe mo…” pahabol na bilin pa ng kanyang asawa. Matapos ang may tatlong oras na paglalakbay sakay ng kanyang kalabaw sa wakas narating na rin nya ang bayan, agad na inilatag ang kanyang mga panindang gulay. Bwenas sya sa araw na iyon dahil maagang naubos ang kanyang mga panindang gulay, ala-una pa lang ng tanghali simot na ang kanyang paninda… “ayos ‘to, maaga akong makakauwi” bulong nya sa sarili. “Ala-una pa lang pala, masyadong mainit ang tirik ng araw, mabuti pa medyo magpalipas muna ako ng oras baka hindi kayanin ni Britney kung ganito kainit kami uuwi” sambitla nya sa sarili habang nagliligpit ng mga bilaong pinaglagyan ng mga paninda… Minabuti ni Oniot na uminum muna ng kahit dalawang bote ng serbesa para lang lumipas ang init ng katanghalian, kaya nang makakita sya ng “open 24 hours” na kabaret agad syang pumasok at umorder ng serbesa, "waiter! dalhan mo nga ako dine ng dalawang malamig na redhorse..." pagkaubos ng dalawang bote napansin nyang alas-2 pa lang pala at masyado pa ring mainit para maglakbay pauwi kaya umorder pa uli sya ng tatlong bote pang serbesa, at umorder pa sya uli.... at umorder pang muli habang sinabayan pa ng birit ng "...and i did it my waayyyyYY!!!" ni Frank Sinatra... hanggang sa namalayan na lamang nya na alas-9 na pala ng gabi. “Naku patay ako nito kay misis!” sisi nya sa sarili… habang nagiisip kung anu ang gagawin umupo sa tabi nya ang isang babaeng bayaran na pulang-pula ang “lipistik”, nakasuot ng “mini-skirt” at mapanghalina ang titig habang ngumunguya ng babolgam… “Papa, gusto mo bang paligayahin kita ngayong gabi?” pabulong na tanong ng babae sa kanya, napalunok ng laway si Oniot habang nakatitig sa malulusog at naguumapaw na dibdib ng kausap sabay sagot ng “a..e... e... a...sii…siii ..siGE!” at naganap na nga ang hindi inaasahan. Alas-5 na ng madaling araw ng magising si Oniot, pupungas-pungas pa na hinihilot ang kanyang ulo, medyo kumakalog pa ang kanyang mga tuhod at nahihilo pa dahil sa dami ng nainum na alak, “Yari ako nito sa asawa ko, mapapatay ako nun sa galit, hindi na ako nakauwi kagabi naubos ko pa ‘yung pinagbentahan ko ng mga gulay…tsk!” pagaalala nya habang nagsusuot ng kanyang pantalon. Nang makapagbihis nagmamadaling lumabas ng apartel si Oniot at agad na bumiyahe pauwi sakay ng kanyang kalabaw. Bago makarating sa bahay nila dumaan muna sya sa isang botika at bumili ng “Johnson’s baby powder” at tinaktakan ang kanyang pantalon at mga braso ng pulbo. Pagdating sa bahay agad syang sinalubong ng galit na galit na asawa nya, (umuusok ang ilong...) “hayup ka! saan ka galing kagabi? sumagot kang damuho ka at kung hindi itatarak ko sa lalamunan mo 'tong gulok na 'to! Pasigaw na tanong nito… “L-L-Love pasensya ka na... n-napainum ako kagabi at gumamit ng bayarang b-babae kaya naubos ko yung benta at kaya hindi rin ako n-n-nakauwi k-kagabi...” nauutal pang paliwanag ni Oniot… Pak! Malutong na sampal naman ang sagot ng asawa nya sa kanyang paliwanag sabay bulyaw ulet…“Tangina ka! Kahit kelan sinungaling ka talagang animal ka! ang sabihin mo magdamag ka na namang nag-billiard kagabi! Ayan o… may borax ka pa sa pantalon at mga braso mo! napakasugarol mo talagang hayup ka! napakasinungaling mo pa! blah! blah! blah!” “Ayos!” bulong ni Oniot sa sarili habang hinihimas ang bakat ng sampal ng asawa nya sa kanyang mukha…

aral: the truth will set you free...

Thursday, April 5, 2012

miks-miks


summer na naman, uso na naman ang pasyon at pabasa... maalinsangan...in ang sore eyes at heat stroke... sabayan pa ng mataas na singil ng krudo't pamasahe tyak lalong kukulo ang dugo ng marami... pero syempre uso din ang magpalamig ngayon... san ba magandang magrelax at magpalamig? sa Baguio? mahal ang toll fee sa NLEX at SLEX tsaka pamasahe sa bus... wag na lang... sa Boracay kaya? ang pangalawa sa ranking pagdating sa "the best beaches in the world" (take note: world po yun)... kaso mahal nga pala pamasahe wag na lang din... sa mall na lang kaya... wag na lang din... tyak madedepress ka lang kapag nakita mo yung Samsung Galaxy na matagal mo nang pangarap pero heto't palaos na e di mo pa nabibili... isa pa kakalam lang ang tyan mo kapag napadaan ka sa food court... kung sa Roxas Boulevard ka naman magsuswimming tyak buni't galis naman ang makakadale sayo... kung sa ilog Pasig naman baka masagi mo pa yung mga itinapong bangkay dun ng mga biktima ng hazing ng mga hinayupak na fraterniting yan... ayaw mo rin naman sigurong papakin ka ng mga janitor fish kung sa River Bank sa Marikina ka magtatampisaw...ice cream na lang kaya.. yung bago ngayon... yung magnum... tangina mahal nga pala yun... halo-halo na nga lang... pabili nga po, isa ...manang dagdagan mo ng gatas ha tsaka ube :-p


pics by: flickr.com

Saturday, March 24, 2012

ayokong sumali sa contest ng Damuhan



alas-dos pasado na ng gabi... este umaga na pala, sign off na ang karamihan sa TV station, wala na rin ang ingay sa paligid puro huni na lang ng mga kulisap at kahol ng aso ang maririnig at ang panaka-nakang sigaw ng... baloooOOOttt!!! nakabukas ang computer, open ang microsoft word pero wala itong laman at ang nagbi-blink lang na cursor ang makikita dito, hanggang ngayon kasi wala pa rin akong naiisip na istoryang maisulat, gusto ko kasing sumali dun sa patimpalak ng isang blog site pero anak ng baog na galunggong! blangko ang kakarampot kong utak, mahina yata talaga ako pagdating sa pagsusulat at panitikan... tayo muna ako sa harap ng monitor, jingle muna sa banyo, paglabas ng c.r. deretso sa refrigerator, inum ng isang pitsel na malamig na tubig... aghhHHH!!! putsa! sobrang lamig! parang kinuryente ulo ko! upo muna sa sofa sabay sindi ng yosi para kumalma at makapagisip-isip muna... teka may naisip akong topic, balik uli sa harap ng monitor... pindot sa keyboard... ta-ka-ta-ka-ta-ka-ta-ka-takkk! sandaling nagisip... nagkamot ng betlog -select all, delete! tsk! ampanget ng pasok! di ko alam pano ko lalagyan ng intro yung naisip kong tema... larawan ako ng isang desperadong manunulat... matutulog na nga lang ako, wala ako sa kondisyong magsulat ngayon... shut down na muna ang pc, pagkatapos ma-proper shut down balik uli sa banyo, hilamos at toothbrush muna bago mahiga... akyat na sa kwarto para matulog, mahimbing na si misis pati na ang anak namin... humiga na rin ako, ipinikit na ang mga mata... hayyy pakiramdam ko isa akong lipas na bayani... nang bigla akong napabalikwas may naisip akong magandang entry... tayo` uli ako, takbo pababa sa hagdan, deretso sa computer, nang nakabukas na ang pc para namang bulang naglaho ang laman ng utak ko, blangko na naman ang isip ko... tila lumilipad na parang saranggola... anu baaA!!! gusto kong magsulat pero baket parang tuyot ang isip ko?!!! kelangan kong makagawa ng istoryang malupet! parang gusto ko nang itaob ang munti naming silid-aklatan sa inis... nabuburyung na ako! tayo ulet ako, habang hinahagod ang ulo ko na tila walang laman sa pagkakataong `yun... tak-ti-laooOKK!!! namputa! umaga na!!! maya-maya tindero na ng pandesal ang sisigaw! kagawaran ng talino sa langit (meron ba nun?) tulungan nyo po ako... pagkalooban nyo po ako kahit na konteng talino... sandali akong humarap sa salamin... tinitigan ko ang malamlam kong mga mata, muka na akong adik dahil sa puyat... daig ko pa ang kinulam at pinaglaruan ng santambak na maligno... habang pinagmamasdan ko sarili ko, nagulat ako ng bigla akong bulyawan ng repleksyon ko sa salamin... gago! adik ka ba? di ka mananalo sa contest na `yun dahil meaning nga ng salitang "hinuha" e hinde mo pa alam! tanga!! pogi ka lang pero di ka magaling!!! wag ka nang sumali sa contest ng Bagsik Panitik ng Damuhan na yan!!!...


ang posteng ito ay entry sa Bagsik Panitik ng Damuhan

patawad







tao lang nagkakamali rin
tao lang sumasablay din
oo, ang kasalanan di dapat sadyain
pero sana kapag nagbabago na ay pagbigyan din

first impression last?
wala na bang karapatang magbago kahit pa si Judas?
baka naman pwedeng ang pass ay passed?
ika nga kalimutan na lang ang nakalipas

kung hindi ka magmo-move on
ikaw din, tiyak mananatili ka sa pagkakabaon
kung nagkamali man sya kahapon
marahil parte lang 'yun ng pagiging taong mamon

wag mong isara ang pangunawa sa kanya
bigyan mo ng isa pang tyansa
baka sakaling tuluyang magbago na nga sya
sigurado ako pareho kayong magiging masaya

kung nasaktan ka man sa pagkakamaling nagawa nya
at nalaman nyang dahil sa ginawa nya'y lumuha ka
tyak ako ngayon nagsisisi na sya
maniwala ka sa akin alam ko ang nararamdaman nya
dahil ako at sya ay iisa

pic by: flickr.com

Monday, March 19, 2012

bulaklak ng dila




sa jeep, sa palengke, sa eskwelahan, sa simbahan, sa baskesball court, kahit sa senate impeachment court, sa TV, sa radyo, sa kanto, sa ospital, sa bangko, sa mall, sa carenderia, kahit saan maririnig mo ito... tambay, pulis, senador, doktor, tsuper, janitor, amo, katulong, teacher, estudyante, pari, artista, athlete, pok-pok, lalake, babae, binabae, babaeng feeling lalake, bata, matanda, binata, dalaga, virgin o maluwang na, supot, tuli, mayaman, mahirap, milyonaryo o pulubi lahat sila kariringgan mo nito... malungkot o masaya, nanalo man o natalo, binasted ng nililigawan o sinagot man, nagkakatuwaan man lalo na kung may alitan, anu ba ito? aba e hulaan mo... anu ngaItalic? hulaan mo nga... siret na nga... tangina mo pala e bobo ka palang hindot ka e...anu pa e di MURA... gago ka akala ko kung ano MURA lang pala pinahirapan mo pa akong magisip bwakanang ina ka... anu bang meron sa pagmumura at para na itong bulaklak na namumukadkad sa ating mga bibig... pati mga kabataan ngayon tila wala nang pagaalinlangan kung magbitaw ng mura "tangina mo kuya akin yan e!!!" kahit maganda naman ang nangyari sa kanya di pa rin maiwasan ang magbitaw ng mura "yes! yes! tangina pare sinagot na ko ng nililigawan ko!!! kailan pa ba nauso ang pagmumura? nakikigaya lang ba tayo sa mga dayuhan sa pagmumura? "oh shit! fuck! im going to kick your black ass asshole! i'm going to kill you! you mother fucker!" panahon pa kaya nila Lapu-lapu uso na ang magmura? si Dr. Rizal kaya nagmumura din... siguro kaya tayo natuto magmura kasi paglabas pa lang natin sa sinapupunan ng mga ina natin ganito na ang sitwasyon... "tangina mo Andres! kasalanan mo ito kung baket ako nahihirapan manganak ngayon..puro ka kasi iyot hindot kaaaAAA!!!"

barometrong mausok



bilang isang modelo dapat maging huwaran sa paningin ng lahat... bawal ang basagulero, bawal ang babaero, bawal ang lalakero, bawal ang lasenggero, bawal ang marlboro, bawal ang kantutero, bawal magmura, bawal tumae sa salawal, bawal gumawa ng bawal... naalala ko tuloy si Pnoy... hindi raw mabuting impluwensya sa mga pinoy dahil isa raw yosi boy... naalala ko tuloy si Erap... di raw mabuting halimbawa dahil sa bukod sa madaming asawa madalas daw malagihay dahil panay ang tagay... anu nga ba ang sukatan ng mabuting lider? hindi sa ipinagtatanggol ko ang mga kapwa ko yosi boy at tumador pero si apo Macoy di naninigarilyo o umiinum ng syoktong pero isang diktador... si ate Glo na walang bisyo pero kapit-tuko at punong puno ng kontrobersya ang pamumuno (helow garci at marami pang iba) si Roosebelt, isa sa dakilang presidente ng America ay isang yosi boy... Dwight Eisenhower isang magaling na heneral nung WWII ay isa ring smoker... si Richard Nixon hindi lang yosi boy kundi isang alcoholic, isama mo pa si Ronald Reagan at Bill Clinton na mga hithitero din ng yosi ay mga chickboy din... madami pang halimbawa tulad ng mga great Chinese leader gaya nila Mao Zedong ang may bisyo rin gaya ng pagtoma pagyoyosi at pangchi-chicks ang di matatawaran ang galing sa pamumuno sa kabila ng katotohanan na sila ay may bisyo... kaya ang tanong isyo ba ang ganitong mga bisyo pagdating pagiging magaling na lider? wag na lang natin pagusapan ang aspetong pangkalusugan dahil patay tayo dyan.

Sunday, March 18, 2012

banig at papag na kawayan





walang magawa...dut-dot dito dut-dot doon...click dito click doon, blog hopping dito blog hopping doon...surfing ika nga...facebook, twitter, youtube, pati youporn hanggang sa madaanan ko tong painting na ito ni Nestor Garcia Leynes...ewan ko kung anung meron at parang may kumurot sa puso ko nang mapagmasdan ko ng obra nyang ito...siguro namimiss ko lang ang aking ina... ganyang ganyan din kasi ang senaryo kapag pinatututlog ako noon lalo na sa tanghali... palibhasa'y di naman kami mayaman kaya't papag na kawayan na sinapinan ng banig ang aming higaan, dahil walang kuryente kaya't abaniko ang ginagamit ng aking ina upang di ako pagpawisan... at para makasigurong mahimbing ang aking pagtulog lalagyan muna ako ng pulbo sa likod bago sapinan ng tela sa likuran para di matuyuan ng pawis... upang makatulog agad inaawitan pa ako ng marahan habang hinahaplos ang aking buhok... at sa pakiwari ko habang akoy nakapikit matama nya akong pinagmamasdan...ang sarap maging anak ng aking ina... at kahit kailan di ko yun makakalimutan...

Tuesday, February 21, 2012

manhid


hindi masama hindi rin santo
mala-hayop pero tao
may konsensya subalit tila bato
may puso pero di ginagamit ang ulo

alam ang tama... di naman kayang magawa
gustong ituwid ngunit di alam saan magsisimula
parating nadadapa tuhod ay mahina
teroristang lumuluha

araw ay lulubog sa kanluran
bukas panibagong pakikipagsapalaran
lahat sana ng naranasan
kahit kaunti'y may natutunan

pic. by: antz
marcusrevolver@yahoo.com