
Anung grade mo na?
Grade 4 na po sana..
Baket sana?
Huminto na po kasi ako sa pagaaral…
Baket ka huminto sa pag-aaral??
Wala po kasi kaming pera…
Okay lang naman pumasok kahit walang baon diba? Mas mahirap kapag di ka nakapag-aral…
Madalas ganyan ang palitan ng dialogue kapag kinakausap ng isang mas nakakatanda ang isang bata na huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay. Totoo, okay lang pumasok ng walang baon, okay lang kahit pa araw-araw ka lang naglalakad papuntang paaralan… sa mga matatanda, pero sa mga bata ewan ko kung nauunawan nila yan, kung meron mang batang nakakaintindi nyan tiyak madalang. Pero pansamantala tayong lumugar sa kalagayan ng isang batang may magulang na di sapat ang kinikita para sya ay mapag-aral. Maaga kang gigising para pumasok sa paaralan, suot mo ang uniporme mong medyo nasikip na sa katawan mo, tatlong taon mo na kasing ginagamit yun, ang totoo pa nyan pinaglumaan na rin yan ng anak ng pinaglalabadahan ng nanay mo. Nakanganga na ang swelas ng sapatos mo kaya upod na rambong sinelas na lang ang gamit mo sa pagpasok sa eskwela ngayon. Kahit pa naligo ka bago umalis ng bahay tiyak manggigitata ka rin pagdating sa paaralan mo dahil wala ka namang pamasahe kaya maglalakad ka lang. Bitbit mo ang iyong bag… isang asul na plastic bag na may tatak na SM supermarket, laman nito ang ilang piraso mong notebook kasama ng mga bali-bali mong krayola at lapis na dalawang pulgada na lang ang haba. Pagdating sa paaralan, naiiba ka sa lahat, angat kasi sa karamihan ang naninilaw mo nang puting baro. Halos bilang lang rin ang mga kaibigan mo sa klase nyo dahil nahihiya kang makihalubilo sa mga kaklase mong medyo angat sa buhay. Pagdating ng recess habang kumakain na ang buong klase, nililibang mo na lang ang sarili mo sa pagdo-drawing ng kung anu-ano sa likod ng mga notebook mo, kagaya kahapon at noong isang araw at noong isang isang araw wala na namang baon na naibigay sayo ang nanay mo. Last day na nga rin pala ng pasahan ng school project nyo mamaya, tiyak bagsak ka na naman , wala ka kasing pambili ng school project. Bukas field trip ng paaralan nyo, sa lunes out of place ka na naman sigurado sa discussion ng klase, wala ka kasing maisi-share na kwento tungkol sa mga lugar na pupuntahan sa field trip na yun.
Tsk! tsk! tsk! yan ang isa sa dahilan kung baket may mga kabataan na nagpasyang maagang magtrabaho na lang kesa pumasok sa paaralan dahil sa ganyang abang kalagayan nila. Kahit pa nga may sapat ka nang isip at alam mo na ang salitang “tiis” at “sakripisyo” parang mahirap suongin ang ganyan kahirap na sakripisyo’t tiisin… lalo pa kaya sa isang bata…
Friday, May 29, 2009
rambo
katha ni: antz ngayong 1:42 PM
tag: buhay pinoy, daing, eskwela
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


28 umutot:
based! tama kuya...
para sa kaisipan ng isang musmos, napakahirap maintindihan ang kalagayan ng kanyang pagkakaiba sa mga nakakaangat sa kanya...
haaaayyy, nakakalungkot...ang mga ganitong suliranin dapat ang dinidinig sa senado at hindi ang sex scandal ni katrina at hayden kho!
bilis a...
sana nga ganyan sa senado, kaso tama ka kung alin pa yung importanteng usapin yun pa ang nawawalan ng pagkakataong pagusapan ng mga gumagawa ng batas...
nakaka depressed naman to.. hayy. apektado ako. sobra!
@chikletz -sana wala nang ganyang senaryo, kawawa ang bata di ba...
Syempre bata...
Kung kagaya kasi ng buong bayan ang makati edi sana...
LOL.
@cayy -jejomar binay, kaw ba yan, ahehehe
Mas nabigyan ko ng pansin ang comment ni deth, xensya na...
Bakit nga ba hindi ito ang pagtalunan sa senado? Taenang mga pulitika yan!!!porket mas marami silang makukuhang pera at sisikat sila kapag pinansin nila ang sex scandal na yan eh pababayaan na lang ang mga batang hindi makapag aral dahil sa kahirapan...
@lord -tama parekoy, isa pa kapag sinakyan kasi nila yang byahe ng scandal na yan alam nilang mas maeexpose sila sa harap ng kamera (artista yata involve).. mas pabor sa kanila yun, lalo na dun sa may mga balak tumakbo ngayon..
Naisip ko tuloy kung paano kaya ako makakatulong...
@rj -iboto si pacman sa 2010?
ang gulo ng mundo! :(
tama ka tol sa mga sinasabi mo..tama din mga reactors mo...
sana nga ito ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa senado ngayon hindi yung scandal...
teka ramdam mo ba na 2nd world country na "DAW" tayo?
tol..add kita sa blogroll ko ha..check mo na lang sa list of blog links ko.....sarap tumambay dito...
Nanood ako nung isang gabi ata sa case unclosed ung mga batang biktima ng phedophilia, yung nanay pa mismo yung nakipag-negotiate dun sa kumag na phedophile.. kawawa instead na nakakapagaral eh namumulat sa mga masasamang bagay..
May mga batas na naipasa naman ang kongreso para sa kapakanan ng mga bata pero kulang sa implementasyon sana lang mabigyan pansin ng executive department natin ang mga ganitong bagay, o kung bigyan mang pansin sana wag haluhan ng politika..
Ayus! :)
tonio tama lahat ng sinabi mo, naranasan kong pumasok sa isang pampublikong paaralan noong nasa elementarya pa lang ako, meron akong nakakasamang mga ganyan, hindi ko na din sya nakasamang umakyat ng entablado nung graduation eh, sa hirap na din siguro ng buhay..
madali akong maawa sa mga batang maagang nagbabanat ng buto, lilipas na lang ang kabataan nila ng puro na lang trabaho.. haaaay!
dyan ako nagpapasalamat kay bro, kasi kahit paano naenjoy ko ang pagkabata ko.
@kox -lalo pang pinagulo ng bulok na sistema...
@mokong -okey tol, salamat..
tayo nasa second world country na? sinong gago nagsabi nun? sila lang yata nakakaramdam nun a...
@homer -sana mas matalim na batas pa ang ipasa nila para mas matakot kung sino man ang may gustong gumawa ng kalokohan...
@kheed -dito sa lugar namin maraming ganyan, kahit pa nga sabihin mong may utak yung bata pero dahil naa-out of place sya sa paaralan napipilitan na lang syang idrop-out ang sarili nya...
tama nga naman. nung elementarya ako may mga kaklasi akong ganito,buti nalang sinuwerte akong kaunti may bag ako.
pag tumakbo ka presidente pre tatakbo akong bise,lols
@da king -ahahaha! taena natawa ako dun sa side comment mo na kapag tumakbo akong presidente e tatakbo kang bise, anu nga kaya ang hinaharap ng Pinas kapag ako ang pangulo dito? ahehehe
nakakalungkot nga ang mga ganitong buhay sa atin sariling sikap nalang dahil wala tayong aasahan sa gobyerno natin, sila pa ang umaasa sa atin. nice post parekoy.
@jettro -ayos yung linya mo parekoy, imbes na tayo sana ang umasa sa gobyerno sila pa ang umaasa sa atin, baliktad na talaga mundo...
parang yung sa commercial. hehe, yung nag pepedicab.
nice entry, kaya sometimes I take advantage of the life here in AUS. Dapat namumumlat ako sa mga stories na ganyan
@krishA -parang ganun na nga...ahehehe.
pero seriously marami talagang ganyan ang kalagayan dito sa pinas... tama ka i-take advantage mo na lang kung anung meron ka ngayon... salamat sa kumento...keep safe!
ang sarap magkomento noh, pero may nagagawa ba tayo? senado nga ba? presidente nga ba ang sagot?cno ba ang gumagaw ng bata di ba dapat mas dapat na nauunawaan ng bawat mahilig mamahinga at humiga ng may buhay nakumotna katabi eh na sa bawat paggalaw nilamayposibilidad na mabuo musmos na dapat eh sila ang managot....dahil dapat kung marunong gumawa alam dapt ang kaakibat na responsabilidad....
@seaquest -nakuha ko punto mo, tama ka rin... wala tayong ibang dapat asahan kundi ang sarili mismo natin... pero di rin natin masisisi ang ilan kung may hinanakit sila sa mga namiminuno dahil na rin lantarang kakulangan nila at sa bulok na sistema.
Nahabag naman ako don sa nabasa ko.
Hindi ko na susupladahan yung mga batang tindero sa baclaran!(feeling ko snatcher eh.nag iingat lng)
Ang swerte talaga natin!
@missguided -kakaawa talaga yung nasa ganyang kalagayan, tama ka kahit papano maswerte tayo't di tayo dumanas ng ganyan kahirap...
salamat sa kumento...happy blogging!
Post a Comment