Marami-rami na rin akong mga award na nakuha galing sa mga kaibigan natin sa mundo ng blogosperyo. Siguro panahon na para ako naman ang magbigay ng konteng pagkilala sa mga sinasaluduhan ko sa mundo ng blogging. Eto ilan sa kanila pati na rin ang maikling dahilan baket binigyan ko sila nitong munting gawad na ito…
lordcm -sya yung ninakawan ko ng una kong award…sabi nya kasi dun sa award na nakapaskel sa side bar nya, igrab na lang daw yun ng mga may gusto, e wala pa akong palamuti noon sa side bar ko dahil naguumpisa pa lang akong magsulat kaya tinira ko yung award nya, muntik pa akong mapaso, nagbabaga kasi yung award e... pwera bawi isang basong ihi!
tambay -sira-ulo tung tao na to! Sa pakiramdam ko lang kapag nakasama ko `to ng personal magkakasundo kami nito, may konteng sira din kasi ulo ko…
rhodey -masipag magkumento sa bawat poste ko itong si rhodey, salamat sa pagpalakpak mo sa bawat poste ko parekoy!!
marlon -natuwa ako sa kanya kasi noong una kong makita yung picture nya kamukha nya si Edgar Miranda ng Parokya ni Chito, tama ba? Hindi, seriously sya yung gumawa ng ID ko, salamat lon!
mike -gusto ko attitude nitong mamang `to, matapang masagasaan na ang masasagasaan pero sasabihin at sasabihin parin nya ang nasa loob nya.
crisiboy -nagbigay ng dalawang pirasong gawad saken nuong nakaraang linggo, kaya obligasyon ko rin na suklian yun ng kahit isa lang.
PAJaY -kapag dinadalaw ko site nito naaala ko yung grade school time ko… batibot…
mulong -isa pa tong taong `to, ewan ko basta pakiramdam ko magkakasundo rin kami nito. Ngapala salamat sa pag-add mo saken sa FS. ache-che…
deth -sya yung tumawag saken ng kuya sa kabila ng katotohanan na mas matanda sya saken, nyahahaha…
jelai -ang babaeng walang hanapbuhay…lagi lang nakatatambay sa acongtatsulok…
violet -babaeng walang kieme kung magsulat, deretso walang paligoy-ligoy.
Sa mga napangalanan ko sa itaas paki share na lang sa iba nating mga blogmates ang munting parangal na ito, para mapuno tayo ng pagbibigayan kahit hindi araw ng pasko… mabuhay ang pinoy blogger!
13 comments:
Wow!!!Thank you!!!Thank you!!!
Ano ba ung "K" dun sa award? lolzz
@lord -walang anuman parekoy, karapatan yang K dyan, hindi kulangot!!! lolz!
huhuhuh! may hanapbuhay nman ako ah.. xD
Kuya,kuya,kuya!!! ahahaha...
sige kunin ko to...parang usong-uso ang awarding ah...salamat
Para namang hindi ako tinatablan ng bala. Hehe.
Salamat sa iyo! Ikaw ang dapat saluduhan!
WOW~ SALamat! hehehe censya, hindi maka-type ng maayos. masakit si kanang kamay.
wow pare thank you sa pagsabit mo sa kin...so pagtanaw ng utang na loob pala tohh..hahahaha..
ano nga ba ung "K" sabi ni lordcm?
...Kulangot!!!! hahahaha
thanks ulit pre..
wow, nadawit ang pangalan ko dito aheheks... salamat sa "Kulangot...?" aheheks... sa "karapatan" pala hehehe, mabuhay ka parekoy...
aba aba ano tong nbabalitaan kong may sira daw ulo ko?hindi naman pre. medyo lang. pareho nga tayo,hahaha
salamat sa napakainit na award na to isinama ko din sa mga pgbibigyan ko,hehe
jelai -kala ko wala, madalas kasi kitang makitang pakalat-kalat dito at nakatambay, ahehehe
@deth -lam mo naman laging in, sabay sa uso,lolz
@mike -ahahaha, salamat din parekoy!
@marlon -parekoy baka kung saan-saan mo ginagamit yang kanan mo ha, lolz!
@crisiboy -blog na may kulangot? ahehehe
@rhodey -mabuhay ang kulangot! nyahaha
@da king -salamat din sayo parekoy!
salamat-salamat sa award ^_^ at sa pambobola ^_^
iyayabang ko to sa "Silip..."
salamat ulit dude!
sa uulitin?!
ingat-ingat!
@violet -ala yun...hahaha! salamat din!!!
Post a Comment