Sunday, May 3, 2009

McDo (bluer than blue magic)




Isipin nyo na kung anong gusto nyong isipin basta ikukwento ko sa inyo yung isa pa sa di magandang experience ko sa panliligaw. Kung doon sa blue magic pinaasa lang ako dito naman iba -napaglaroon ako at ang tapat kong puso (booooo!!!). Pwera biro, nagtanda na kasi ako doon sa naging karanasan ko sa blue magic, kaya iniba ko ng konte yung diskarte ko… di na ako magpapauto sa mga babae!!! Kaya di na ako nanliligaw doon sa hindi nagpapakita ng motibo… ganito ibig kong sabihin, kapag meron akong tipong babae dadaanin ko muna sa patingin-tingin yan, kapag nagtama yung paningin namin sasadyain kong titigan sya, eye to eye contact ika nga, kapag sumimangot sya ibig sabihin nun ayaw nya, kaya kung may balak man ako… ooops! di ko na itutuloy, tagilid ang Bangka, baka maulit lang yung blue magic. Pero! …pero kapag lumaban ng eye to eye contact yung subject at medyo pinitik ko ng kindat ang tantalizing eyes ko (yuck!) at hindi sya nagalit sa halip ay ngumiti pa… yari na! ito na ang hinahanap ko! `E di ganun na nga, sa maikling salita nakakita ako ng babaeng hinahanap ko, yung bang alam kong meron din syang gusto sa akin… lumaban ng eye to eye contact saken e, tapos nung medyo kinindatan ko hindi nagalit, ngumiti pa nga saken… ayos kako! This is my chance ahahayyyy!!! Feeling ko nun ang pogi-pogi ko, biruin mo sa loob ng dalawang araw naka first base ako, naka-first base! as in “kiss”… tamis ng laway nya (parang nalalasahan ko pa nga hanggang ngayon, lasang malapot na Alaska). Dahil naka-kiss na ako inisip ko kami na, dahil kami na kelangan nagreregalo ako sa kanya para lalo syang mainlove saken. Tinipid ko uli pang-recess ko, balik ako sa fish ball at iced water, lakad uli ako tuwing uwian, pero meron nang Ever Commonwealth kaya di na ako dumadayo ng SM North para bumili ng pangregalo, kung nakarating na kayo ng Ever Commomwealth merong McDo sa gilid nun, dun ko sya tini-treat kapag nakakaipon ako. Kaso pakiramdam ko nadale ako ng illegal recruiter nung nalaman ko na pang-apat pala ako sa mga boys nya, kaya pala iba lasa ng laway nya nung minsang hinalikan ko sya –lasang sabon. Ganun yata talaga ang mga babae, ginagamit lang nila tayong mga lalake dahil mahina lang tayo at madaling mahulog ang loob. Tini-take advantage nila ang pagiging weak natin… matapos nilang makuha ang gusto nila sa atin iiwan na lang nila tayong luhaan sa isang tabi… anu tayo basahan?!! (ulol! Ikaw lang!!!)

Patalastas: ang acongtatsulok ay nominado sa isang blog award, sa mga gustong bomoto bumisita lang po sa The Composed Gentleman at hanapin sa sidebar ang Win An Award, i-click ang acongtatsulok then vote, salamat po…

7 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D Nilahat mo na nman eh...

Malamang iba naging diskarte mo sa esmi mo kaya naging kayo :)

Eto ang aabangan ko!!!

DETH said...

ang alam ko mas madalas mangyari sa babae to kesa sa kalalakihan...
minalas ka lang...hehehe

ayan pakindat-kindat ka pa ha...lolz

HARI NG SABLAY said...

bilis nman nun 2days first base na agad, sna inararo mo na para tuloy2 na. ang saklap nman nun dka lang pngalawa png apat pa.haha

tonio said...

@lord -ahahaha, ang kulet e no?! si misis ko po gf sya noong 1st year high kami, nagkahiwalay kami, pero nagkabalikan din noong pareho na kaming may TARbaho...

@deth -ibig sabihin may piring talaga ang hustisya... tama ba?!! lolz

@da king -sa tulong yan ng mga kaklase ko...

jeLai said...

bad mo nman!
'wag mong ang i-generalize ang mga babae..
iba-iba din kasi karanasan ng mga tao..
may mga lalaki din nmang kagaya ng babae na niligawan mo..

tonio said...

@jelai -sinabi ko lang talaga yun para magreact ka, ahahaha, salamat sa kumento...smile..

jeLai said...

at comment ko lng talaga ang dahilan..
sira! hahaha!

wlang anuman poh..