
Noon bago ka sumikat kakailanganin mo ng talentong kakaiba sa lahat, magkaroon ka man ng angking talento kakailanganin mo pa rin ng mahaba-habang panahon para lubusan kang makilala at sumikat. Pansinin natin yung pagkakaiba ng mga sikat na artista noon at ang mga sikat na artista sa ngayon, wag na tayong lumayo dito na lang tayo sa atin, sina Gloria Romero, Caridad Sanches, sina Nida Blanca at marami pang iba, bukod sa angkin nilang ganda talagang magagaling sila pagdating sa pag-arte, di gaya ng mga baguhang artista ngayon, malaki lang sus* mo artista ka na, may lakas ka lang ng loob na ipakita sa lahat ang pekpe* mo sisikat na, kapag nag-brief ka at bumabakat ang ga-braso mong ari-arian voila! artista ka na! kahit walang talent, kahit pa kapag umiiyak ka sa harap ng camera ay sa ilong lumalabas ang luha mo, artista ka na, basta kaya mong magpakita ng kalaswaan sa harap ng madla! Marami na rin ang instant na paraan ng pagsikat sa panahon natin ngayon, andyan yung mga reality TV, kumain ka lang ng tarantula at isang dakot na bulate sisikat ka na, magpauto ka kay kuya sa loob ng bahay nya… sisikat ka na o kaya naman tumira ka sa isla at gaguhin mo yung iba pang contestant dun tiyak sisikat ka na rin. Eto pa ilan sa paraan ng instant pagsikat, magpasimuno ka ng kudeta tiyak magiging sikat na senador ka. Gumawa ka ng computer virus, kumanta ka sa youtube kagaya ng ginawa ni pareng Ariel na bokalista ng Journey ngayon. Kung gusto magsulat ka ng blog… isulat mo sa blog mo pumapatay ka ng pusa kagaya nung isang blogger na estudyante ng UP na hinunting ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) o di ba sikat na sya? At ang pinaka popular sa lahat sumali ka sa mga talent search, kagaya ni Susan Boyle… teka banget nga ba sumikat si Aleng Susan at humakot ng milyon-milyong view sa youtube? Dahil ba maganda ang boses nya o dahil mukha syang aanga-anga pero may boses na gaya ng kay Lea Salonga?
Patalastas: ang acongtatsulok ay nominado sa isang blog award, sa mga gustong bomoto bumisita lang po sa The Composed Gentleman at hanapin sa sidebar ang Win An Award, i-click ang acongtatsulok then vote, salamat po…
3 comments:
pre gusto mo dn sumikat?sabagay sinong hindi dba. anu kaya mgndang gawin para sumikat?lols
labanan ko kaya si pacman? kahit 3 rounds lang... anu s palagay mo? lolz
Madali na palang maging isang 'sikat' ngayon. Tama ka, Tonio.
Huhmn... May madali rin kayang paraan para sumikat ang isang tao sa kanyang napiling propesyon? 'Yon kasi ang pangarap ko.
Post a Comment