
Natawa ako na nainis nung minsang napanuod ko sa isang balita sa TV yung palagiang ginagawa ni Pacman tuwing umuuwi sya dito sa Pinas matapos ang bawat laban nya, yan yung pagsisimba nya sa Quiapo Church. Pero hindi doon sa panatang ginagawa ni Pacman ako natatawa, (kakabilib nga strong faith nya) natawa ako doon sa kasakasama nya –kay pareng Sabit este Chavit… nung kasama nya itong nagsimba sa simbahan nga ng Quiapo. Si Pacman kasi, pagdaan ng offering basket sa harap nya mabilis nyang isinilid yung kanyang offer na naka-sobre pa, pero ewan ko ba dito kay pareng Chavit, di ko alam kung hindi lang ba sya handa o nagyayabang lang talaga sya? nung tumapat kasi sa kanya yung offering basket binilang nya muna yung kanyang ISANG BUGKOS NA DOLLAR BILLS bago nya tuluyang inihulog doon sa basket. Kanino kaya sya nagyayabang at ginawa nyang yun? kay Lord ba o sa harap ng mga camerang nakatutok sa kanila? Tsk! tsk! tsk! Walang pinagkaiba doon sa ibang mga politiko na nagdo-donate sa mga ospital o foundations… halimbawa nag-donate si Senador ng 5-million pesosesoses (naks laki ah), pero bago niya tuluyang idonate yung tseke kelangan muna nilang magpapicture habang iniaabot niya yung kaniyang donation. Kelangan ba talagang ganun? Kelangan ba talaga ng picture taking habang iniaabot mo ‘yong milyon mong donation? Para saan? Remembrance? O pagyayabang para sabihing isa kang may mabuting kalooban? Naalala ko tuloy yung wento ng isa kong kaibigan nung bahain yung kanilang lugar, wala pang isang kilometro ang layo nila sa City Hall pero natagalan pa yung relief goods na ipinadala ng Mayor nila, maaga sanang makakarating sa kanila yung relief goods kaya lang pina-full out muna ng alkalde nila… alam nyo kung baket? Kelangan daw kasi may pangalan at litrato ni Mayor yung plastic bag na paglalagyan ng mga relief. Tangnang mayor yan! Malulunod na lang yung kanyang mga nasasakupan inuna nya pa yung kanyang pagyayabang!
picture by: kamalayan www.flickr.com
PATALASTAS ULI: Pede pa bang humirit ng isang linggong boto pa? para makakuha ng HALL OF FAME (pleaseee...). Sana patuloy nyo pa pong iboto at suportahan si ACONGTATASULOK. Para makaboto i-click lang ito; The Composed Gentleman hanapin sa right side bar ang Vote Now, i-click ang ACONGTATSULOK then vote... araw-araw po ang botohan, kaya pede nyo akong iboto araw-araw... salamat po!!!
11 comments:
Oo, nakakabuset talaga yung mga politikong kayayabang!
Ang pagiging isang mabuting tao naman ay hindi naman masusukat sa kung gaano kalaki ang ibinibigay mo kung hindi kung gaano kabukal sa loob mo na ibigay yun.
@chase -korak ka dyan, pero di naman lahat ng politiko ay ganyan... halos lahat..ahek
lahat naman ata ng politiko mayayabang,plastik at nakamaskara.
pakitang tao,asal demonyo.
hay sana makahalata si pacman... pati siya sinasamantala ng mga pulitiko. eto namang si pacman, engot. nagpapadala. hehe.
hmmm,tingin ko meron namang matitino pa ring politiko kase infernez sa Frisco, tumira ko dun...dun sa lampas tao ang bahang parte ng Frisco (up & down apartment namin so, safe ka sa second floor) minsan nstranded kame,buong magdamag kame sa taas ng kalye kase di kame mkapasok sa street nagpadala yung kapitan ng mainit na pandesal at noodles...hangsarap!at walang picture-picture, wala ring pangalan ang pandesal...
Well, that's how serving works for them. Those kind of individuals are GooD politicians actually. Definition of Good:: Bad individuals that don't get caught. Well, we can't do anything about it unless they'll give us the authority to rule over the nation. And, not all politicians wear fake smiles whenever they're in front of a camera. Some do take there job with extremely deep responsibility.
kakabiset tlga yang si Sabit..este si Chavit..nuknukan ng yabaaaaaaanggggggg....
si Money (Manny) naman di makahalata na ginagamit lang siya ni Chavit..putek..ang dumi tlaga ng pulitika...
Pwede nmn silang tumulong ng hindi ipinapaalam sa madlang pipol diba?
why lyk dat?hehehe
@da king -pre di naman lahat, infairness naman duon sa iba... pero halos lahat sila...yaikz!!!
@joshmarie -sa ring lang magaling bumasa ng laro si pacman, sa politika tingin ko di sya marunong, tingin ko lang ha...
@deth -sana nga lahat ng politiko kagaya nung sinasabi mo, maswerte ang bayan na may ganyang pinuno...
@lollii pii -hay...sana lang dumami ang mga totoong tao sa mundo ng politics...
@jenskee -sinabi mo pa! baket kelangan nilang ipagyabang na tumutulong sila? e yun naman ang reason kung baket natin sila ibinoboto, diba?
yan yung mga tinatawag na "PHOTO OP" mga pagkakataong pwede nilang ipangalandakan sa madlang pipol na tao pa rin pala sila, na hindi sa lahat nanag pagkakataon ay mga buwaya, buwitre, at kung ano ano pa sila.
in short mga hunyango na kayang magiba iba nang kulay para sa isang okasyon.
kailangan nalang siguro nating magmatyag, at magbukas nang mata upang makita ang mga karapat dapat na ihalal.
mabuhay ang Pilipinas 5000, eheheks....
hahaha..ay naku pulitiko talaga iilan nalang ang tapat ang loob (kung meron man?)
sige boboto kita dun sa ComposeGent.
ay ano ba yan at naging anonymous ang comment ko. Napindot agad ang publish e. Hehe!
Ayan! comment is sweeter the second time around. Haha!z
Post a Comment