
Nag-umpisa ang lahat nang uminom ang tatay mo ng pamlakas ng kanyang similya, hirap kasi silang makabuo ng nanay mo. Makalipas ang ilang buwan... Bingo! ipinagbuntis ka na rin ng ina mo. Pero dahil mahina ang kapit mo, uminom ang nanay mo ng pampakapit para di ka malaglag...syempre. Sinasabayan nya pa ng inom ng gatas na para sa mga nagdadalang tao -anmum. Panay rin ang tira ng ina mo ng bitaminang mayaman sa bakal (iron) dahil dalawa na kayong nabubuhay sa kanyang katawan. Pagsapit mo ng ika-pitong buwan, sinilip ka na ng ina mo sa pamamagitan ng ultra sound, tao nga raw ang laman ng kanyang tiyan at hindi isang tiyanak. Ewan ko kung nagmamadali ka lang ba talagang lumabas sa mundong ito, dahil ngayong ikapitong buwan mo sa loob ng bahay bata ng iyong ina e gusto mo nang lumabas. Pero dahil delikado sa sitwasyon mo at ng iyong ina kinakailangan mong iluwal sa pamamagitan ng cesarean. At dahil nga kulang ka sa edad halos isang buwan kang namalagi sa loob ng incubator. Sa awa ni Bro nabuhay ka naman. Alagang-alaga ka nga ni nanay mo sa tiki-tiki at vitamine-C. Sinusundutan pa ng cheryfer para daw tumangkad ka.. Tuwing umaga kanin na may star-margarine ang almusal mo kaya nga mabilis kang lumaki. Ngayong malaki ka na enervon at centrum naman ang tinitira mo para mas maging malakas ang pangangatawan at resistensya mo. Dalawang beses din sa loob ng isang araw kung lumunok ka ng glutathione para naman maging maputi ang 'yung repleksyon. Sala-salabat na din ang braces mo sa ngipin, nakasuot ka pa ng kulay bughaw na contact lens, yung nga lang medyo mahina ang pandinig ng kaliwa mong tenga kaya meron kang hearing aid na nakasaksak dito. Pagpasok mo sa paaralan, nasuksok sa kanang bulsa mo ang iyong cellphone, sa kaliwa naman ang yung laruang PSP, habang nakasalpak naman sa kanan mong tenga ang earphone ng iyong MP4. Poging-pogi ang iyong tindig sa tayu-tayo mong buhok na inalagyan mo ng isang litrong styling gel, matapos mo itong ipa-hair dye ng kulay ube at berde. Kaya lang balita ko sa susunod na buwan ooperahan ka raw sa iyong bituka dahil sa isang kumplikasyon, kung di ako nagkakamali papalitan ng plastic ang isang bahagi nito... sigurado ako bukas makalawa sa pagtanda mo wheel chair na ang magiging permanente mong upuan... at tuwing--
PARA! PARA!
SsccreeettchhhHH!!!
baket ho?
Tanong ko lang tao pa ba tong tinutukoy mo o isang robot? Matapos kasi nyang mabuhay sa pamamagitan ng samo't saring kemikal eto puno naman sya ngayon ng kung anu-anong gaheto sa katawan, mula sa kanyang mata, tenga, bibig pati bituka...
ay, robot...
Wednesday, June 3, 2009
ay robot
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


23 umutot:
dapat pala sa bowl o sa condom ka na lang muna ipinutok! nyahaha!
buti pa ang robot kumpleto latest na gadgets...
sana robot na lang ako...lolz..
basta ako hindi robot. :)
may emosyon pa naman ako. :)
nice post ulit!
@abe -tyanak yun kapa ganun, tuwing gagamit ka ng cr tiyak magpapakita yun sayo, ahehehe
@pogi -oo nga parekoy, lolz
@paps -sa babae lang tayo sunod-sunuran parekoy, (parang robot din) ahahay!
Buti hindi pa ko robot.
Pero parang din ...
malapit na pala [[:
Saludo ko sa post mo kuya
basta alam ko malaki pagkakaiba namin ni robot, mas madami man siyang mga gadyet mas guapo pa rin ako... aheheheks....
Hehehe :D Tingnan mo pre, baka bakal na ang bungo nyan lolzz
pag katapos ng kung ano anong anik-anik ang ininom at nilagay nya sa katawan ang ending sa wheel chair parin ang bagsak nya!
Lupeeet m0!
ayus sa trip...ahahaha, sana lang sa gitna ng lahat ng teknolihiya ay tao pa rin siya...
TAO...may pakiramdam, marunong magmahal...tao.hanggulo mo deth! ahahaha...toinkz
he he. nice post. habang tumatagal nga yata di na mabubuhay ang tao pag walang kakabit na anong gadget. konti na lang, robot na nga.
Halos Robot na pala ang karamihan ng mga nakakasabay ko sa MRT araw-arw.. tsk.. tsk.. tsk.., mga kamag-anak ni Voltes-V...
Hindi ko alam kung ano talaga ang kahulugan nitong post mo. Pero nasasalamin dito na ang mundo ngayon ay talagang makabago na. Ang mga magagandang pag-uugali ng isang batang Pilipino ay mananatili pa rin kaya hanggang sa mga susunod na henerasyon, o magbabago rin ito tulad ng mga bahagi ng katawang binanggit mo rito?
Cia c teki...Tecking tao, san ka pah..buti na lang di nabuo sa tube..wehehehe..
@cayy -babaeng robot?ahehe salamat sa kumento.
@rhodey -i agree with you on that parekoy, kaya lang sana dinamay mo na naman ako sa mga guapo, yaikz!
@lord -darating din siguro ang oras na magkakaroon na rin ng artipisyal na bungo.
@missguided -ahehehe, pati paa artipisyal na rin.
tignan mo nga naman ang napapala ng taong masyadong engross sa technology.. tsk tsk
@deth -sana nga, dahil pagnagkataon artipisyal na pagmamahal na rin ang maghahari, yaijz!
@r-yo -raise of the machine? lolz
@goryo -ingat ka parekoy baka maground ka kapg napadikit ka sa kanila.lolz!
@rj -as in na tong post ko parekoy, tungkol lang talaga to sa mga nakikita kong mga gahetong ginagamit natin sa araw-araw pati na rin yung mga samo't saring kemikal na tini-take natin ngayon.
@seaquest -di magtatagal tao na ri ang ico-clone, nagawa na nila yan sa isang sheep diba? (sheep nga ba? basta may ganun..lolz)
@den -sa isang banda meron din namang magandang naidudulot sa mga tao... tsaka nakakaenjoy rin talagang gamitin yung mga gadget na uso ngayon diba?
salamat sa kumento...
tama kuya! gamitin lang ng tama! :]
pare tanong ko lang anung gamot ang pampalakas at pampadami ng semilya? hirap din kami makabuo ni misis...
teka pre npanood mo terminator noh?hehe nghuhula lang.
darating nga ang araw mgiging robot na mga tao sa mundo,di malayong mgyari.ay di pala tao, robot.
@den -korak den,lolz
...happy blogging
@mokong -ko rin alam parekoy, basta alam ko merong ganung gamot, pero meron akong nakikita sa TV na kino-commercial, yung induranz. pero pinaka-da best pa rin magtanong ka sa doctor...
@da king -di ko pa napapanuod yun, may nakasakay lang ako noong nakaraang araw sa fx na napakaraming dalang gadget kaya yun naisipan kong gawan ng wento...
salamat sa mga kumento...
hanga ako sa tiki-tiki...ang tagal na nyan...haha
aliw na naman tong post mo tsong
@arjay -ahahaha, laking tiki-tiki rin ako parekoy!
salamat sa kumento...
Post a Comment