Di ko na ito pahahabain pa para mabilis tayo, tutumbukin ko na ang dapat tumbukin, titirahin ko na ang dapat tirahin, sasabihin ko na ang dapat sabihin, di na ako magpapaikot-ikot pa o magpapaligoy-ligoy pa, di kasi ako mahilig sa marami pang patutsada o pasakalye, ang gusto ko straight to the point, di 'yong kung anu-ano pa ang pinagsasasabi tutal maikli lang naman 'tong sasabihin ko kaya didire-diretsohin ko na 'to, wala nang liko-liko o patumpik-tumpik pa, wala nang preno-preno pa, isa lang naman ang gusto kong sabihin at maikli lang ito... bertdey po ng maganda kong asawa ngayon (6/13), invited kayong lahat, may handa po kaming isang kilong pansit bihon tsaka... tsaka yun lang... tsaka nga pala isang katerbang alak!!! marami na namang pap ksssst! nito! Marami na namang magtatawag ng uwak at magpapakain ng mga alaga naming pato, nyahahaha...
Wish? Wish ko para sa kumander ko? Simple lang, sana di sya magsawa sa kagandahang lalake ko, dahil tiyak mamamatay ako kapag nawala sya saken, sya kasi ang dahilan baket ako nabubuhay... sya at ang nag-iisa naming anak.
O ano pang hinihintay nyo lets party!!!
pic by: Sir Mervs/flickr.com



22 umutot:
Maligayang bati, maligayang bati, maligaya maligaya, maligayang bati!!!!
Ayan pre, kumanta na ako...pengeng alak!!!! lolzz
@lord -waaaaaa!!! kala ko pansit hihingin mo, alak pala lolz
salamat sa pagbati, sige padadalhan kita dyan...salamat sa pagbati!
happy bertdey sa kumander mo parekoy!
magandang lalake tayung lahat!
sige, tagay na!!!!
3-in-! plus 1 Happy Kaarawan sa iyong kumander...
tonio nandito na ako sa kanto nyo, pano ko makikita yang bahay nyo? nagugutom na ako sa pansit eh..
Happy birthday sa misis mo.. simulan na ang party!!
@kosa -oo naman! lahat tayo pogi ahehehe
tagay parekoy!
@mokong -bong navarro kaw ba yan? lolz..
@kheed -kilalang kilala ako dito sa lugar namin parekoy, sabihin mo lang si toniong bayawak sabay takbo... yaikz!
salamat sa pagbati parekoy...
tama na yan inuman naaaaaa!!!!!
wahihihih...
engeng pansit pare..
paki-padala na lang sa DHL..:D
many more bdays to come para sa iyong kumander!!
@jenskee -may bayad pa yung dhl, may kalapati ako dito, itatali ko na lang sa paa nya para mapadala ko dyan, abangan mo na lang dyan sa bubungan nyo, lolz...
happy birthday kay Misis...
at happy independence na rin... sensya na na-late. vacation mode kase pag friday! hehehehe!
@azel -salamat marekoy! ahehehe
Happy Birthday kay kumander...NAwa'y lumawig pa at umunlad ang inyong pagsasama....Pengeng pancit...
@seaquest -salamat... tsige papadala ko na lang dyan yung pachit...aheheh
wow hapi bertdey kay kumander...
pengeng pancit, aaay sanmig na lng pala puro pansit na pagkain ng mga instik dito eh, miss ko na ang hagod ng beer na yan...ahahahah!
habeeerday sa kumander mo!
penge alak pam pa ikli ng buhay at pansit na din pampahaba nito! haha
@deth -ubos na pansit e, lomi na lang...ahahaha ganun pa rin, chinese food pa rin lolz
@missguided -ang gulo no? pampaikli tsaka pampahaba, lolz
salamat sa mga kumento...
Happy Bert-day po.. Hapi beer-day na din. Pagkakataon ko na ulet itong makatikim ng pansit.. Nung bata ako bihira ako makakain ng ganyang pagkain.. yahooo!!
Happy Birthday para sa misis mo, Tonio!
Mababasa mo pa kaya 'tong comment ko ngayon? Siguro nalasing ka na ng San Mig Light.
oi..punta ako pre!
kakanta ba ako o kakanton na lang?..hehe
aww.. happy birthday sa mahal mong misis... ingatz. Godbless! -di
Word "sya" does it mean "me" in english?
@gorio -sige parekoy, titirhan kita ng pansit,lolz
@rj -pare 2 days pagkatapos ng bday ni kumander tsaka ko nabasa tong comment mo, kasi nga tama ka, nalaseng ako, nyaahahaha...
@dhianz -salamat sa pagbati di, god bless din..
@ex starian -no. lolz
Post a Comment