Related Posts with Thumbnails

Monday, June 1, 2009

gung-gong




Oo nga naman, di naman ata tama na lahat na lang ng sisi ay ibato natin sa mga namiminuno sa bayan natin, totoo merong mga nakaluklok na masahol pa sa tuod na walang silbi -hindi nga lang meron, marami sila. Pero tayo mismo, ano kaya ang ginagawa nating hakbang para mapabuti naman ang buhay natin pati na rin ang ating abang bayan? Puro tayo sisi sa mga gung-gong na mayor sa lugar natin dahil madalas magbaha sa ating barangay e tayo mismo ang nagtatapon ng kung anu-anong mga basura sa ilog at kanal. Puro tayo sisi sa gung-gong na mayor ng lugar natin dahil hindi niya masulusyonan ang sobrang traffic sa ating siudad e tayo mismo ang dahilan kung baket masikip ang daloy ng trapiko, imbis na sa ibabaw ng over pass tumawid hayun at nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa ilalim ng over pass. Panay tayo sisi sa gung-gong na mayor ng lugar natin dahil masyadong madumi at mabaho ang lugar natin e tayo mismo kung saan-saan lang umiihi kapag kumukulo na ang pantog natin. Panay tayo sisi sa gung-gong na kongresista't senador dahil hirap tayong pag-aralin at pakainin ang mga anak natin e anak ng baog tingnan mo at labing dalawa ang anak mo, labing apat nga sana yan namatay lang sa gutom yung dalawa. Alam mo na ngang mahirap ang buhay kung mag-anak ka pa e daig mo pa ang dagang costa. Panay tayo sisi sa gung-gong na mga kongresista't senador dahil hirap kang makakuha ng trabaho samantalang noong may trabaho ka pa mas marami ang absent mo kesa sa present, masipag ka lang pumasok kapag araw ng balehan o kaya tuwing kinsenas at katapusan. Panay tayo sisi sa mga gung-gong na kongresista't senador dahil maliit lang ang sweldo sa pabrika, kapos kamo sa panggastos ng yung pamilya e papanong di ka kakapusin kapag may pera ka inuuna mo pa ang bisyo kesa sa pangangailangan ng yung pamilya. Panay tayo sisi sa gung-gong na presidente na magulo na ang bayan antin e ikaw itong madalas makita sa telebisyon na napipipagpaluan sa mga pulis sa gitna ng EDSA. Panay tayo sisi sa gung-gong na presidente dahil talamak na ang kurapsyon sa kanyang mga gabinete e ikaw mismo nagbebenta ng boto mo tuwing halalan. Panay tayo sisi sa gung-gong na persidente dahil ninanakawan nya ang kaban ng bayan e tayo mismo magnanakaw rin ng tubig at kuryente.

Sino ba talaga ang gung-gong? Sila nga lang ba o kasam rin tayo?
Kapag gung-gung ang mga pasahero kahit pa mahusay ang bangkero tiyak lulubog ang bangka. Kapag gung-gong ang bangkero kahit pa “behave” ang pasahero tiyak lulubog din ang bangka... e papano pa kaya kung kapwa gung-gong ang mga pasahero't bangkero?

pic by: kamalayan/flickr.com

26 umutot:

chikletz said...

"Ako mismo ang magtuturo sa mga bata kung paano maging mabuting mamamayan." -chiki chikletz

Cayy Cayy said...

Eh kasi iniisip ng bawat tao na ginagawa rin naman ng iba ang gagawin o ginagawa nya, kaya sunod lang sa agos ng buhay.

Lord CM said...

Aba!!!parang kinalaban mo ung latest entry ko ah lolzzz

Parehas lang tayo may kasalanan parekoy, pero sa ngayon mas obvious naman na walang ginagawa ang gobyerno natin kundi pag usapan ang video scandal...

tonio said...

@chikletz -ayos yan ma'am! keep safe po...

@@cayy -ganun na nga, kaso ang masakit nito kahit mali na sunod pa rin ng sunod (actualy tinamaan din ako sa mga pinagsusulat ko dito, lolz)

@lord -ahehehe, hindi bro! nagkataon lang, napaisip lang kasi ako dun sa comment ni seaquest sa isa kong poste kaya ginawan ko ng entry... salamat sa kumento...:-D

Lord CM said...

Binalikan ko pa ung comment ni SeaQuest, sa kabilang banda tama rin sya parekoy, nasa atin pa rin talaga ang pagkukulang...

Pero di mo pa rin maalis sa isip ko na may malakeng kasalanan ang Gobyerno sa lahat ng kahirapan ng bawat tao...kitang kita naman, kung hindi scandal ang pinag uusapan, ang pag aaway ng dalawang senado ang pinagtatalunan...kelan ko ba huling napanuod sa tv na ang pinag uusapan nila eh ang problema ng mga kababayan natin? kelan?

tonio said...

@lord -meron din naman (madalang nga lang)... kaso alam mo naman ang media mas gusto nilang icover yung mga maiinit at kontrobersyal, mas napapabalita pa nga yung maiitim na singit ng isang artista kesa sa isang taong tumulong mag-tawid ng matanda sa isang kalye...

JETTRO said...

Ang mabuting gawin dahil wala namang ibang makakatulong sa atin kundi sarili din natin. Ano man ang pagkukulang ng iba tayo ang gumawa para sa sarili, dahil hindi natin kayang utusan ang iba pero mauutusan natin ang sarili natin kung ano ang tama at dapat gawin para sa ikauunlad.

Huwag na tayo umasa sa iba.

tonio said...

@jettro -eksakto parekoy, kapag lahat tayo ay may ganyang kaisipan, simpleng mamamayan man o taong gobyerno sigurado makakaahon na tayo sa pagkakabaon natin sa hirap.

DETH said...

at dahil libre ang internet sa opisina, makikiepal na ko ulet...hehehe

tama yun kuya "ikaw mismo kumilos para sa gusto mong pagbabago at tigilan na ang reklamo"

ngunit pano pa at may tinawag na pinuno? lider? modelo?
hindi ba't walang mararating ang bangka kung magkakaiba kayo ng direksyon ng pagsagwan?

tonio said...

@deth -kaya sana nga may sariling palo ang bawat isa, kung isa kang lider maging mabuting lider ka sana, kung isa kang simpleng mamamayan gawin mo rin yung parte mo. dahil kung susuklian natin ng mali bawat gawa nilang mali, sigurado taob ang bangka natin...

salamat sa kumento..keep safe

SEAQUEST said...

Eto ang lang masasabi, kung di kaya ng iba subukan mong gawin, kung nakita mo ng mali wag ng gayahin,...Dahil ang tagumpay ng isang bayan nagmumula sa sarili kahit mundo pa yan...sabi ko nga bago ko isiping baguhin ang mundo unahin na muna natin ang ating sarili....walng sisihin, walng turuan, kundi maaring magkaron ng mabuting samahan para sa isang mabuting kinabukasan....enjoy pa lahat....o di ba...

Den said...

pangit nga naman kasi pag sinisi ng tao ang sarili nya.

di baleng sanang manisi kung walang ginagawang masama. kaso karamihan yata sa tao ngayon bihasa na sa dirty tricks.

SEAQUEST said...

pahirit pa pala...hehehe..sa bwat pagturo ng hintuturo alalahanin natin apat ang sa atin ay naktuon, isa lang ang nakalaan daliri dun sa sinisisi natin....

tonio said...

@seaquest -salamat sa kumento mo, naisip ko ngang isulat tong entry kong 'to dahil sa comment mo noong nakaraan sa poste kong "rambo". di naman sa kinakalaban ko ang sino man politiko man o hindi, pero tama na lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad da dapat gawin. sana alam ng mga lider natin to para sila mismo ay maging mabuting halimbawa sa bawat nasasakupan nila.


@den -wala naman sa atin ang walang kasalanan, maliit man ito o malaki, yung nga lang mas malaking kasalanan kung ang isang lider na politiko ang sya pang gumagawa ng kagung-gungan.

tonio said...

@seaquest -kaya ako kapag nagtuturo, nguso ang ginagamit ko para walang balik...ahahaha


salamat sa kumento! happy blogging

J.D. Lim said...

Hmmmm.. Inaanyayahan ko po ang lahat na magsuri pa ng mas malalim sa ating sitwasyong panlipunan.

Oo nga't may kasalanan tayo gaya ng mga halimbawang iyong nabanggit ngunit dapat nating ungkatin kung ano ang nangyari sa ating kasaysayan.

I guess mula doon mas higit nating maiintindihan kung bakit tayo naging ganito.

Hindi lahat ng sisi ay dapat sa gobyerno o sa bangkero, pero nasa kanila ang higit na sisi. Sabi mo nga nakasakay tayo sa isang bangka, at sila ang may hawak ng sagwan, pupunta tayo sa gusto nilang puntahan. Pero puwede naman na palitan natin ang bangkero 'di ba?

Oo nga't marami tayong mga pagkukulang, pero sila ang nagdulot nito para mangyari ang lahat.

Bakit? Matuto kasi tayo sa kasaysayan. :)

Haba ng comment ko, parang blog post na, haha.. sensya na. Gagawa ako ng artikulo tungkol dito sa aking blog. :)

tonio said...

@jd -salamat sa kumento parekoy, appriciated ko ang kumento mo, wala akong kinakampihan dito, wala akong sinisisi, sino nga ba sa atin ang walang pagkukulang diba, isinulat ko lang ang posteng ito para balanse..

salamat uli sa pagbabasa mo dito...

HARI NG SABLAY said...

ako mismo ay hindi naninisi. kung ano man ngyayari yan ay nasusulat sa kapitolo bombo radyo.kaya wala tayong mgagawa dyan mgdasal nalang tayo,hehe

ngayon kung may dpat sisihin tama sisihin ang sarili,bakit?bakit?dahil kpag sinisi mo ang mayor bka sabihin pa niya sayo...

"ikaw nlang kaya mag-mayor,oh ano kaya mo? ako nga diko kaya kaw pa." lols

HOMER said...

Lets do our share, tama naman eh kung di natin hinayaang mangurakot at mging inutil ang mga nasa liderato eh di naman magiging ganyan.
Tayu ang nagluluklok sa kanila lets remember that ;)

tonio said...

@da king -korek parekoy, iwasan na ang sisihan, pero syempre dapat pa ring silang bantayan.

@homer -korek din! kagaya kay president nunal, noong si erap ang nakaupo marami sa atin lumabas ng kalsada at naghihiyaw para mapatalsik si erap at maipalit naman itong si nunal, ngayong si nuanal na ang reyna panay tayo angal sa pamumuno nya....



salamat sa kumento

abe mulong caracas said...

galing naman ng picture mo hahaha

talagang kinailangan ko pang i enlarge para malinawan kung bakit gunggong ang pamagat! gungong nga!

at doon sa tanong mo, whether we like it or not, kasama tayo sa dapat sisihin!

tonio said...

@abe -salamat sa kumento parekoy...
pero di naman ibig sabihin tayo lang rin at walang pangkukulang ang mga gunggong na lider natin....

Mokong™ said...

ako mismo ang gagamit pa rin ng "PO" at "Opo"..medyo nawawala na sa uso ang mga katagang yan pare...

tonio said...

@mokong po -opo, tama po yun po... ahehehe, nasobrahan naman yata sa opo...


happy blogging parekoy!

missGuided said...

tama ka! puro tayo reklamo. wala nama tayong ginagawa kundi mag dadada!

kung gusto ng pagbabago simulan natin sa ATIN MISMO!
(missGuided po para sa senado.haha)

tonio said...

@missguided -korak, lahat tayo may pagkukulang, kaya tungkulin natin na baguhin ang sarili natin tungo sa tunay na pagbabago.. (tonio sa kongreso) yaikz!