Related Posts with Thumbnails

Monday, June 29, 2009

hiling




Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, wag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Kinaawaan ko ang aking sarili sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko na maintindihan ang sinasabi mo, wag mo naman akong sinasabihan ng “binge!”. Pakiulit na lang ang sabihin mo o pakisulat na lang. Pasensya na anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko pagtyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sayo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka, basta pakinggan mo na lang ako. Wag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan, natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo iyong sasabihin, maghapon kang nangungulit hanggat di mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin ang aking amoy… amoy matanda, amoy lupa. Wag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Medaling magkasakit kapag nalamigan, wag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo ba noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensyahan mo na sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ng aking katandaan. Pagtanda mo iyo ring maiintindihan.
Kapag may konte kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang anak, inip na kasi ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang makausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mong sabik na sabik na akong makakwentuhan ka anak, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? pinagtyagaan kong pakinggan ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong mga laruan. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, wag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo sana kung ako ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang panahon ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking mga kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At wag kang mag-alala, dahil hiniling ko na sa Diyos na alagaan ka upang sa Bayang Banal ay muli tayong magkita.


pic by: kamalayan/ww.flickr.com

21 umutot:

JETTRO said...

wow una ako ngayon parekoy

ganda nman ng post na ito nakakarelate hay nkakatakot tumanda parekoy.

SuperGulaman said...

kung may bagay ka talagang dapat katakutan...ito ay ang pagtanda... aminin man natin o hindi... lahat ay dadaan dito unless...pangunahan mo o ito ang itinadhana sa iyo... :)

maganda ang pagkakagawa...may puso... ;)

superjaid said...

i have watched the slideshow of this sa nstp class namin english at tagalog pa,tapos nabasa ko ulit to sa isang forum,tapos ngayon dito sa blog mo kuya..pero paulit ulit pa rin akong naiiyak at natatouch..ganda talaga nito..

Bomzz said...

Pre sensya na nabasa ko na to dati ayoko ko ng ulitun pa.




kasi napaiyak ako nito nuon baka maulit pa..... lolz...

tonio said...

@jettro -dahil nauna ka parekoy, may premyo k.. kaw ang unang tatanda...lolz

@superG -tama parekoy, ako lang ayoko ring tumanda kaso nakatadhana na tayong lahat dyan... kaya goodluck na lang sa ating lahat...

tonio said...

@superjaid -sa school ko din narinig yan, naantig ang loob ko kaya hinanap ko yung kopya at ipinost ko dito...

@bomzz -lalake man tayo pare pero totoo yang sinabi mo, nakakaluha yang kwentong yan. nung marinig ko nga yan naalala ko erpat ko, kinuha na kasi sya ni Bro nitong January lang...

kheed said...

noong una ko tong narinig, talagang tinawagan ko agad ang nanay ko, naging emo ako eh.. :)

pero oo, matapos kong marinig to dati, parang gusto ko agad umuwi sa bahay ng mayakap ko si ina.. hehe

salamat naman at pinaramdam mo ulit sa akin na dapat kong pahalagan ang mga magulang ko..

Jepoy said...

nakaka tats naman!

chikletz said...

nabasa ko na din to dati..

yan tumutulo na naman uhog ko..este luha pala.. wahhh!!

naaalala ko lola ko :(

Lord CM said...

Nakakatakot nga na tatanda tayong wala man lang mag aalaga sa atin...pero ganun talaga eh, kung para sayo, para sayo...

SEAQUEST said...

Kuya tonio, i really this post, actually parang alam ko na cia a ang sulat ng isang ina para sa kanyang anak, basta isang sulat cia na nabasa ko nun high school pa ako, medyo na edit na nga lang yung iba but everytime i read this hindi yung pagtanda ang kinanatatakutan ko, bagkus yung totoong nararamdaman ng ina para sa kanyang anak..it was sad to know na talaga namang may mga anak na nakakatiis sa mga magulang pero ang magulang sa anak hindi sa lahat ata ng kasabihan yan ang isa sa talgang pinaniniwalaan ko..nice post po. gumana na naman pagiging iyakin ko hehehe...Godbless

DETH said...

love ko talaga tong sulat na 'to, una ko tong narinig sa sunday mass...binasa ng pari...it makes you realized every sacrificed your parents have done for you, how you needed them when you were still a child and how they need you now that they have grown old (teka ba't ako nagiingles, ahahahaha)

Bomzz said...

totoo yun bro wala sa dahil lalaki tayo......nararamdaman ko rin ang naramdaman mo bro wala na rin ermats ko.....

kahit natanggap ko na wala siya.. pag nabasa ko to... tutulo na lang bigla luha.... ko..

Goryo said...

sa radyo ko narinig ito.. tinext ko din agad ang nanay ko noon =)

pero salamat at napaalalahanan ulit tayo dito.. pati ung mga perst taym na makakabasa neto sana ma-encourage silang bigyang halaga ang kanilang mga magulang..

Camille Anne F. Tajon said...

Ang ganda nito.

Repost ba ito o gawa mo?

Parang may nabasa na kasi ako ganyan e.

Pero ang gandaaa!

abe mulong caracas said...

di mo matandaan kung may nabasa na ba akong ganito o kahawig lang...

kakalungkot na nakakatuwa.

pero sana lang may humiling sa akin ng ganyan kasi puro "opo" naman ang isasagot ko!

pero maagang nawala ang pagkakataon!

HARI NG SABLAY said...

naalala ko nung pinabasa din ito sakin nagmadali akong umuwi gling trabaho,namiss ko lng c ermats...

missGuided said...

nakakatakot talaga tumanda* hindi ko ma imagine sarili ko sa klagayan na yan pero okay lang basta kasama mo mga mahal mo sa buhay!

una una lang yan hehe

ELAY said...

panalo ang choice of words.. nakakarelate din ako..

The Snappy Sparrow said...

maganda ang mga kuha mo ;)

Boy Experto said...

Ayoko tumanda. Sabi ko sa sarili gusto ko hanggang mga 50-60 lang. ayoko din maratay, gusto ko instant, kung pwedeng bangungot mas okay.