Related Posts with Thumbnails

Thursday, June 25, 2009

Bertong barbero





…hindi tao hindi hayop; minsan matamis, minsan mapakla… minsan mabango, minsan mabaho… minsan maikli, minsan mahaba… minsan malapit, minsan malayo, ano ito?

SiiireeeEt?

Palayaw!..

Maraming iba’t ibang klase ng palayaw kagaya ng mga nabanggit sa unahan, merong matamis merong mapakla, maikli lang o kaya mahaba, meron ding mabango at mabaho. Iba-iba ang dahilan kung baket iba-iba rin ang palayaw ang mga tao, karaniwan na nagsisimula ang palayaw ng isang tao sa kanyang pagkabata pa lang at mula din sa bahay nila mismo, halimbawa ang tunay nyang pangalan ay Maria Teodora Elena, masyadong mahaba kung bibigkasin mo ito ng buo at masyado ring mahaba kung buo mo itong itatawag sa kanya, at halimbawang babatuhin sya ng kapitbahay nyo ng refrigerator o kaya ng tangke ng LPG malamang na di sya makailag kung isisigaw mo ng buo ang pangalan nya… “Maria Teodora Elena ilaaaggGG!” Samantalang kung tatawagin mo sya ng Len-len may pag-asang daplis lang ang magiging tama nya, “Len-len ilaaaggG!!” Masyado ring aksayado sa space kung sa text sa cellphone mo isusulat ang pangalan nya. Meron din namang mga palayaw na matamis pakinggan, halimbawa; Denver, Dominador pala ang tunay na pangalan nya. Patty, mula sa tunay na pangalang Cleopatra. Si Terry, Eleoterio pala ang buo nyang ngalan. Meron ding palayaw na medyo hindi matamis pakinggan, halimbawa Berto (tunog magtataho) samantalang pwede namang Robert para medyo sosyal ang dating o kaya ay Bob dahil Roberto naman ang tunay nyang pangalan. Yung Antonio tinatawag na Tonyo (tunog barbero) kahit na ang mas maganda e Tony. Meron namang mga palayaw na isang libong kilometro ang layo sa tunay nyang pangalan. Naalala ko tuloy yung kaklase ko noong high school pa lang ako, pumunta ako sa bahay ng isa kong kaklaseng babae di ko na lang maalala kung anong dahilan basta pumunta ako sa kanila… “tao po… andyan po ba si Dolores?” “sinooO??” tanung nung dumungaw sa bintanang kapitbahay nila (I’m barking at the wrong door pala hehe…) ” si Dolores po… Dolores Ramirez” “ah si Jasmine… doon sa kabilang pinto.” Dolores –Jasmine… layo no? kaya naitanong ko sa kanya baket ganun kalayo palayaw nya sa tunay nyang pangalan, paborito pala ng nanay yung bulaklak na Jasmine. May mga palayaw din na hindi na akma sa itsura ng pinalayawan, merong sisenta anyos na at trenta na ang mga apo e Totoy pa rin ang palayaw. Si aleng Nene na dalawang beses nang nabalo at apat na beses nang nakapag-asawa. Si aleng Baby na siyam ang anak (dose sana yun namatay lang yung tatlo). Pero isa sa nakakatuwang naging palayaw e yun bang kabaliktaran ng itsura nya, halimbawa yung kapitbahay namin na kasinlaki lang ng anak ko na anim na taon lang ang edad e tawagin ba namang Jabbar, kung hindi ako nagkakamali e 6’11” ang height ni Jabbar tapos itatawag mo sa taong 3’11” lang ang height, minsan tinatawag din syang “tangkad”. Yung tricycle driver na kakilala ko hindi naman sa nilalait ko ang itsura nya pero kung nakita mo na si Master Yoda ng Star Wars parang nakita mo na rin sya, pero “pogi” ang palayaw nya. Meron pang isang nakakatuwang palayaw, yun bang palayaw na nakabase mismo sa itsura nung tao, halimbawa yung isa pang tricycle driver sa lugar namin, dahil may kahabaan ang baba at kapag yumuko sya ay tumatama sa dibdib nya ang mahaba at matulis nyang baba na maari nyang ikamatay anumang oras… “baba” ang naging palayaw nya. Meron ding mga kabataan dito sa lugar namin na parehong Macmac ang pangalan, kaya madalas kapag itinatanong mo kung nasaan si Macmac… “sinong Macmac?” ang tanong na ibabalik sayo ng pinagtanungan mo, kaya minabuti ng mga may pagmamahal sa bayan na mga kabataan dito sa amin na bigyan sila ng pagkakakilanlan para di na nakalilito ang mga pangalan nila. Si Macmac Bangaw, bangaw dahil meron syang higanteng nunal sa pisngi na akala mo nakadapong bangaw sa malayuan. Macmac Ulo naman yung isa dahil akala mo may sakit syang hydrocephalous dahil sa laki ng ulo nya noong bata pa sya. Nuong nagtrabaho naman ako sa isang pabrika ng tela meron din akong nakatrabaho na may kakaibang palayaw. Si William na tinatawag ding “Richard”… Richard Buni dahil meron syang isang dangkal na buni sa tagiliran nya. Pero ang higit sa lahat ng palayaw na di ko makakalimutan at wag naman sanang maging palayaw ng anak ko e yung palayaw ng kaeskwela ko noong nasa elementarya pa lang ako, si Jun-jun (di nya tunay na pangalan) Jun-jun Tae… baket tae? Tumae kasi sya noon sa eskwelahan dahil nasobrahan yata sa kakakain ng yellow corn na tinitinda sa paligid ng eskwelahan namin. Hanggang ngayon tuloy na meron na kaming kani-kaniyang pamilya Roland Tae na ang tawag sa kanya. (patay! Nasabi ko rin tunay nyang pangalan… soriii…hehehe)

pic by: kamalayan/www.flickr.com

17 umutot:

tonio said...

pasensya na mga kablog! sobrang busy lang kaya di ko kayo nadadalaw...

babawi na lang next time...

happy blogging!

kheed said...

madalas na napapansin kong mga palayaw ay yung binabanggit ng dalawang beses, gaya ng katkat, jayjay, noynoy, nene, toto, kiko.. :)

ako kid ang naging palayaw ko dati pa, siguro dahil baby face ako haha

Camille Anne F. Tajon said...

Haha! Ayos ha. Basta ako ayoko ng tinatawag ako sa apilido ko. Wala lang kasi walang meaning ang apilido ko kahit saang baby book tignan. Haha! La lang!

HARI NG SABLAY said...

haha ayos ah, edi antonio pala totoo mo pngalan pre?

dati tawag sakin...

panday, dahil lagi ako may dalang ispadang kahoy.
galis, dahil may mga galis ako binti.
tatay, dahil kmkha ko daw yung mtndang kpitbahay namin.

HOMER said...

ako andami na din nickname haha!! lahat ata ng mga napupuntahan ko at mga grupo and even itong mga ka-blogs ko binibigyan ako ng nickname kahit ang ikli-ikli na ng name ko haha!! nagkaron na ko ng nickname dati "H" haha!!

So Antonio ka nga? hehe!

Lord CM said...

Ka Tony, Musta? lolzz

Maski anak kong bunso pre, ang layo ng palayaw nya sa tunay na pangalan...nakuha lang namin ung palayaw nya sa commercial :D

DETH said...

O sige na nga, Kuya Tony na lang para sosyal...ahahaha

ako dame ding nickname: duds, duday, dethie, dethski, dudette, dudesa..naku sari-sari na,hehe

I am Xprosaic said...

Ako dami rin palayaw depende sa nagbibigay ng palayaw ko... hahahahhahah... pati pangalan ko nga palayaw na eh... hahahhahahaha...

chikletz said...

haha! kakatawa nga mga palayaw. may kalaro akong bata dati.. ang ganda ng pangalan nya... at ang palayaw nya... Kang-Kang.. langya! haha!

A-Z-E-L said...

hahahaha...

sige.. hulaan mo nga ang tunay kong pangalan???

clue: hindi azeleah... hindi marizel/maricel.

tonio said...

waaaaaaaaaaaaa...

salamat sa mga kumento..kala ko dahil di ko na kayo nadadalaw di nyo na rin ako dadalawin...

@Kheed -oo nga parekoy, kahit adult k na tunog bata pa rin palayaw mo...kid.

@camille -para naman tayong nasa military kung apelyido ang tawagan natin, -Tajon! gimi' twenni push 'ap!!! lolz...

@da king -buti k nga pre galis, ako bakokang dahil lagi akong nadadapa dati kaya palagi akong may malaking sugat sa tuhod...

@homer -oo Antonio ang tunay kong pangalan, take note Jr. pa ako, nasarapan yata tatay ko sa pangalan nya kaya inalagaan, lolz!

tonio said...

@lord -sarap pakingan ng Tony, mamang-mama ang tunog..lolz!

@deth -hehe susyal nga...sige dagdagan pa natin nickname mo..diday...

@xp -ganun b... parang baliktad yata, pangalan galing sa palayaw..ahehehe

@chikletz -kang-kang?..sagwa naman, bastos ang ibig sabihin nun sa salitang kanto a..

@azel -tunay mong pangalan...a... Hazel? Rachelle? a... siret..lolz

SEAQUEST said...

akalain mo yun napasama pa yun palayaw kodito hehehe, yah, lenlen is my real nick name pero sa iba len, lensky, mags,magda, maggie, seaquest aka ko lang sa mga tropa nun maging adddict pa ko sa radyo wala pang cp nun eh hehehe, yambie, yen ewan ko sa knaila basta sila nagbibigay ng name kong mga kaibigan tropa yung iba teacher ko nun high school and college okey lang sa kin wala naman sa pangalan yan eh ke sosyal ke mabansot basta asal tao, ugaling tao yun ang importante...di ba kuya Tony...??? hehehehe...

JasOnizeRs said...

Ano mangyayari kay tweety bird kapag uminom siya ng viagra? Sagot!

Dhianz said...

naaliw akoh sa post moh... panalo..*apir*...natawa akoh ahh.... galign magkuwento... hay naku dmeh ngang story 'ung usapang nickname na yan... naaliw akoh don sa jasmine... layo nga... ingatz... Godbless! -di

JETTRO said...

yung kaibigan ko parekoy ang name niya SUPRONIO POTENCIANO
dahil mahaba pinaikli nlang kaya palayaw nya ngayon "SUPOT"

superjaid said...

haha ang cute naman nito kuya tony?Ü ako unti lang nickname ko,mga apat lang..Ü jalee sa bahay kabaliktaran ng name ng mama ko na lydia,jading at jadz tawag sa akin ng mga barkada ko nung high school para daw kasi akong bakla sa kaartehan(pero dati yun)..Ü at jaid..common name ko,haha Ü napashare tuloy ako..Ü