Related Posts with Thumbnails

Friday, June 5, 2009

kamatayan




Kamatayan…

Para sa marami lungkot ang kahulugan ng kamatayan, lungkot lalo na sa mga naiwan. Di na muli pang makakasama mahal sa buhay na pumanaw, ngiti at halakhak di na kailan pa man masisilayan, halik at yakap kailan ma’y di na rin mararamdaman. Ama, ina, asawa o kahit pa supling, malungkot at masakit ang maulila lalo na’t kay tagal mo na silang kapiling.

Kung sa marami kalungkutan ang kamatayan, sa iba naman kayaman ang kahulugan. Kayaman, lalo na’t mayaman ang pumanaw, madalas pa nga malaking pamana ay pinag-aawayan. Walang sinuman ang gustong malamanagan hangga’t maaari pa nga sya ang dapat na lamang. Walang kaso anuman ang kahinatnan ang mahalaga makuha ang pamanang kayamanan.

Kabayaran naman ang kahulugan sa iba ng kamatayan, lalo na doon sa merong buhay na inutang. Kahit pa nga di buhay ang inutang, ang gusto ng iba buhay pa rin ang maging kabayaran, basta mabigat ang naging kasalanan. Kapag ang masama ay pumanaw, mga na-agrabyado nya sa tuwa ay naglulundagan, sa mga nagawang kabuktutan kamatayan nya ang naging kabayaran.

Kabayanihan naman ang turing ng iba sa kamatayan, lalo na namatay ka sa pag-gawa ng kabutihan sa ‘yong kapwa. Ilang taon man ang magdaan, mabubuti mong pinunla kailan ma’y di nila malilimutan. Katawan mo ma’y sa lupa tuluyang magbalik, mabubuti mong gawa sa puso’t isip ng marami’y nakaukit.

Sa iba nama’y kapahingahan ang kamatayan… kapahingahan sa maraming mga bagay, kapahingahan sa mga hirap at lungkot na dulot ng mabuhay. Mga problemang walang katapusan at mga pasakit na iyong pasan-pasan, kapag namatay ka’t pumanaw di mo na kailan man mararanasan.

Pero para sa akin ang kamatayan ay isang katunayan… katunayan ng ating pagiging pantay-pantay. Mayaman o mahirap lang, matalino man o mangmang lahat tayo hahantong sa oras ng ating kamatayan. Buong buhay mo ma’y puro karangyaan o buong buhay mo ma’y puno ng kahirapan pagdating ng ating kamatayan lahat tayo’y uuurin sa libingan. Kaya walang dapat ipagmalaki gaano man kataas ang narating dahil baka bukas-makalawa di na tayo magigising, naipon mong kayamanan wala ka nang pakikinabangin.
Ikaw ano sa’yo ang kamatayan? Handa ka na rin ba sa’yong katapusan?
At pagkatapos ng kamatayan, saan kaya ang susunod na hantungan natin? Sa langit na pangarap ng marami kasama ng mga kerubin o sa impyerno kasama si Taning?

pic by: kamalayan/flickr.com

29 umutot:

Lord CM said...

May nagbago sa style mo pre ah...parang hindi na isang paragraph ang post mo :D ...

Lahat naman tayo papunta talaga dun...kaya hanggat buhay enjoy lang ang buhay...

tonio said...

@lord - para maiba naman parekoy, ahehehe, salamat sa kumento, happy blogging!

Lord CM said...

Hehehe :D Nasanay lang ako pre...kakaiba, at nag iisa kasi pero ung laman may dating...

Cayy Cayy said...

Nakabasa nanaman ako ng tungkol sa patay T_T naalala ko nanaman ang papa ko -_-

tonio said...

@lord -nasanay ka ba sa puro kalokohan lang? ahehehe may alam naman ako kahit konte sa seryosong bagay, konte lang lolz salamat sa pagbabasa parekoy!

@cayy -sorry po, i'm sad to hear that, pero sigurado naman tayo na nasa mabuti na sya ngayon.

Den said...

Tama Kuya! iisa lang kapupuntahan ng tao, KAMATAYAN!

HARI NG SABLAY said...

hindi ako takot mamatay. ang kinatatakot ko ang iwan ang mga taong minamahal ko...


at mga fans ko,lols

-johnlloyd

DETH said...

Misis sa eulogy: si Tonio sa umaga utot niya ang mamiss ko,kabagin yun eh (imperfect yet perfect) ahahaha,pish kuya...lol

masyadong seryus ang topic,katunog ng pangalan ko...

Lord CM said...

Hehehe :D Kalokohan pre, pero astig ang dating...Yun ang mga opinyon na galing talaga sa sarili at hindi na nilagyan ng kung ano anong palamuti pero pag nabasa tagos sa laman :)

RJ said...

Sa totoo lang, medyo nakahinga ako sa post mo ngayon... maayos ang pagkabuo ng mga talata! Wow! U

Maganda, maayos, mahusay! Very meaningful! Napakalawak ng iyong kaisipan Tonio. 90% out of 100 para sa post na ito.

tonio said...

@den -sigurado yun.. loloz, salamat sa pagbabasa.

@da king -mamimiss ka namin parekoy! ahehehe, wag mahirap maglamay no! nakakapimples! lolz!

@deth -oo nga, katunog nga,hehe kaya lang baket dinala mo pa dito yung kumento ko sa poste mo?, nabuking tuloy ng iba na ututin ako, lolz!

@lord -salamat parekoy! (putsa! ayaw tumigil ng tenga ko sa pagpalakpaka ah!) lolz

tonio said...

@rj -matagal ko nang poste yan, napaglumaan na lang ng panahon, ibinalik ko lang para mabasa naman, wala kasing nagbabasa ng blog ko dati e! ahehehe

salamat rj!

SEAQUEST said...

Isang bagay dawpona dimodapat katakutan ay ang kamatayan, para sa taong matuwid at walang inagrabyadong kapatid, walang takot mamatay anomang oras, tulad ko masinuuna ko ngayon o ang oras na hawak kesasamga susunod at mga darating pang segundo,simplelang poang dahilan ko,..., dahil baka sa susunod naminuto ang kamatayan ko..magkaganun man may nagawa na ko na nakakakuntento...Nice post po kuya...GODBLESS more..

tonio said...

@seaquest -isipin ko mang wag matakot sa kamatayan pero nakakalungkot naman, maiiwan mo kasi mga mahal mo kapag wala ka na, pero wala tayong magagawa, di maiiwasan yan e. salamat sa kumento.

poging (ilo)CANO said...

kamatayan..lahat tayo ay pupunta jan. walang pinipiling oras at araw si kamatayan..tigok kung tigok...lamay kung lamay...

tonio said...

@pogi -tama ka parekoy! naalala ko tuloy yung kwento nung barkada ko, yung pamangkin nya di pinalalabas ng bahay noong new year dahil baka maputukan, pero tinamaan naman sya ng ligaw na bala sa loob ng bahay nila mismo. patay yung bata, kawawa naman.

Jez said...

una, una lang naman yan parekoy dibah..kaya habang nandito tayo sa lupa, lets all be happy! kasi minsan lang mabuhay eh kaya dapat maging makabuluhan...

tonio said...

@jez -tama una-una lang yan at walang makakapigil dyan... salamat sa pagbabasa jez..

missGuided said...

kamatayan para sa akin ay kagalakan!
sapagkat kung tamaan man ako ng kidlat ngayon mismo sa inuupuan ko at mamatay,lilisan ako sa mundong ibabaw ng may ngiti dahil sa pagdating ko sa buhay ng mga magulang ko kahit puro sama lng ng loob ang nai-ambag ko.hehe

happy blogging sa'yo :)

Kosa said...

una-unahan lang yan!
kapag oras mo eh hindi mo na mapipigilan...

sabi ko nga nung nakaraan,
mabuti na ang walang tulog kaysa naman walang gising.. darating kase yung araw na gustuhin man nating magising eh hindi na tayo magigising..lols

apiiiiir parekoy!!

tonio said...

@missguided -saken siguro kapahingahan ang ibig sabihin ng kamatayan, (pero wag naman muna sana, kaya ko pa namang lumaban e)

@kosa -hehe, onga parekoy, nabasa ko yung entry mong iyon. mas mahirap talaga yung walang gising.

Goryo said...

Kamatayan...

Malalim.. Mahiwaga... Maaring madilim maaring maliwanag... Di tiyak kung kaylan, saan at paano...

subalit sa mga iiwan ito'y tiyak na kalungkutan..

sa iba'y panahon para magsugal...

sa karamihang makikilama'y ang pakahulugan ay kape at tinapay.. In Short - coffee Party

hehehe dyok lang..

Pero pwera biro, this is a reality of life:

2 kinds of Life:
1. Temporary (sa mundo)
2. Eternal (sa langit)

2 Kinds of death:
1. Physical (katawang lupa)
2. Spiritual (eternal damnation)

tonio said...

@goryo -haha! natawa naman ako dun sa coffee party.

pero i agree with you dun sa two kinds of life and death.

salamat sa pagdalaw parekoy!

EǝʞsuǝJ said...

lahat naman tayo eh doon papunta...
kaya habang buhay pa tayo,,,
SEIZE the DAY..:)

nagiging siryus ang post ah?

tonio said...

@jenskee -dati talaga akong seryosong tao, na-dengue kaya naapektuhan ang utak, nyahahaha!

Gi-Ann said...

pano naman kaya pag ang way of your death ehh yung pinatay ka.. (?) matatawag din ba kayang pantay yun? naiisip ko rin yan kasin minsan eh..

live life na nga lang.. =)

tonio said...

@gi-an -oo nga no? pero sa tingin ko pantay pa rin, yun nga lang ang paraan ng iyong kamatayan.

Ang buhay ay parang sine said...

isa lang ang masasabi ko, natatakot ako mamatay pero lahat tayo ay darating diyan. :(

tonio said...

@chase -ako man takot din mamatay, sana bago ako mamatay, yumaman muna ako para makasakay din muna ako ng eLoprano, ahehehe