
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
-mga ilog at dagat na puno ng basura
-mga kalbong kabundukan dahil sa iligal na pagtotroso
-mga lansangang namamaho at laging binabaha dahil sa tambak ng mga basura
-maduming hangin dahil sa usok ng mga sasakyan at pabrika
-laganap ang dynamite fishing
-mga bukiring ginagawang subdivision
-mga landslide dahil sa illegal quarrying
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at
kapaki-pakinabang
-marami ang mga nagugutom at walang sariling tirahan
-mataas ang porsyento ng mga unemployed
-marami ang biktima ng child labor
-maraming mga bata ang hindi nakakatungtong man lang sa paaralan
-marami ang namamatay na lang na hindi nadadala sa mga ospital dahil sa taas ng presyo ng medical service
-masisikip na lansangan dahil sa mga illegal vendor
-mga bayang walang ospital at eskwelahan
-nagkalat na pulubi sa mga lansangan
Bilang ganti ay diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
-mga kabataang lulong sa droga
-mga menor de edad na nagbebenta ng sariling katawan
-marami ang namamatay dahil sa hazing
-mga professor na minumulestya ang kanyang mga estudyante
-mga paaralang hindi accredited ng DepEd
-mga kabataang biktima ng frat war
Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayang makabayan at
masunurin sa batas
-mga negosyanteng di nagbabayad ng tamang buwis
-mga motoristang nagbababa at nagsasakay sa di tamang lugar
-mga pedestrian tumatawid sa di tamang tawiran
-mga namimirata at nagbebenta ng piniratang produkto
-mga nagtatapon ng basura kung saan-saan lang
-mga magnanakaw ng kuryente at tubig
-nagkalat na drug addict, snatcher, holdaper, carnapper at kidnapper
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang
walang pagiimbot
At nang buong katapatan
-mga politikong magnanakaw at corrupt
-mga empleyado ng gobyerno na nanghihingi ng lagay
-mga propesyonal na pinipiling maglingkod sa ibang bayan kesa sa sariling bayan
-mga mambabatas na walang ginagawa kundi magpayaman at protektahan ang sariling interes
-mga pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino
Sa isip, sa salita at sa gawa.
-sa isip? Oo, sino ba ang walang pangarap para sa bayan natin? Lahat tayo ay tunay na Pilipino sa isip…
-sa salita? Lalo na! maraming mga tunay na Pilipino sa salita, kabilang na dyan yung mga politikong akala mo tunay na mga bayani tuwing panahon ng kampanya.
-sa gawa? Yun ang malaking tanong… tunay na Pilipino nga ba tayo sa gawa?
Monday, June 15, 2009
panatang makabayan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


20 umutot:
Hehehe :D Isa na naman panggising sa mga natutulog na jutaks lolzz
Talaga naman... 2nd to the last paragraph, point number 3.
Sa tingin ko hindi lamang ang pananatili sa sariling bayan ang nag-iisang paraan upang mapaglingkuran ito... Marami.
Nasa sariling bayan ka nga, hindi naman maayos ang iyong paglilingkod... (nandyan din sa 2nd to the last paragraph.)
Pero magaling ang pagkagawa nito, Tonio! Talagang pinag-isipan mo. Very good! U
naku naku...ano kaya mangyayari kapag itong version na 'to na ang irerecite sa flag ceremony? hehe, nice kuya
bago na daw ang panatang makabayan tonio...
hihintayin ko ang entry mo sa bagong version na un...
gayunan, may punto ito.. nakakagising....
ay konti lang pala ang problema ng bansa. kulang pa yan dagdagan pa.lols
mapapailing kana lang talaga,
ibalik si erap! bwahahaha.
ng mamatay na lahat ng pinoy,lols
@lord -oo parekoy, pangkalabit sa mga naiidlip.
@rj -depende sa sitwasyon parekoy, yung iba kasi nangingibang bayan kahit na alam nyang mas kailangan sya ng sarili nyang bayan (sa opinyon ko yun ang mali) meron din namang umaalis dahil wala syang napapala dito sa Pinas kahit na anong sikap pa ang gawin nya, kaya napipilitan syang sa ibang bansa na lang makipagsapalaran.
@deth -ansaya siguro kapag ganun ang ginagawa sa bawat flag ceremony, tiyak sira ang bawat araw mo, lolz
@azel -di ko pa naririnig yung bagong version... salamat sa pagkumento, smile...
@da king -konte pa ba? ahehehe siguro sa pagkakataong di natin pedeng isisi sa isang tao lang ang lahat ng problema, lahat kasi tayo bahagi nito..
Daming problema noh, pilipinas pa lang yan ha, kuya...
mapapabuntunghininga ka nalang sa dami ng problema ng bayan.. nakakalungkot.. mkakayanan pang gamutin ang sakit ng ating bansa. basta tuloy lang sa pang-gigising, wag tayong mawalan ng pag-asa..
@seaquest -onga, kaya wag na tayong makisakay pa sa problema nina barak dito nga lang sa atin di na tayo makahinga e.
@gori -yun na lang ang isa sa pinaka simple nating magagawa parekoy, ang mangalabit nang mangalabit sa mga naiidlip.
pa revise na natin ang panatang makabayan! palitan natin nyan. ewan ko lang kung hindi tayo marindi nyan sa dami ng kabulukan dito!
-napakunot na lang ako ng ulo.lolz
isang malalim na malalim na...
haaaaaaaaaaay!
@missguided -sinabi mo pa! kaya merong mga pinoy na maagang pumapanget e, sa dami ng mga problema, yaikz!
@mulong -lalim nga nun parekoy, muntik akong malunod, lolz
this is a realistic twist to our panantang makabayan. hope everybody listens.
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
hahaha...panatang makabayan rin pala inabot mo!pareho tayo matanda na...lolz...
astig to parekoy!..kampay!
hanggang ngaun walang nangyayari. walang kumikilos eh. kahit ako.. nasa ibang bansa kasi ako. tsk.
my recent post is something like this. lol
mabuhay ka!
ang galeng nitong post mo, totoong nangyayari...
haay i hear you! totoong totoo tong mga pinag sasasabi mo!
naman! ito na yata ang pinakamatinding banat na nabasa ko dito sa mundo ng blogosperyo..haha!
Post a Comment