
Nakarinig ka na ba ng salita ng batang nagsisimula pa lang matutong bumigkas? yung mga isa o dalawang taon pa lang ang edad? kalimitan ay wala sa ayos at hindi mo gaanong maintindihan ang kanyang pagsasalita dahil “utal” pa sya. Kapag pinabigkas mo sa kanya ang salitang sako “tako” ang sasabihin nya sayo… kapag pinabigkas mo naman sa kanya ay sisi “titi” ang maririnig mo, kaya wag na wag mong tatangkain na ipabibigkas sa kanya ang salitang “pusang ina” kung ayaw mong maaga syang maparusahan ng langit dahil sa kasong pagmumura. Kung sa mga batang apat na taon pababa ay utal o bulol ang tawag ano naman kaya ang tawag sa mga taong disi-otso anyos pataas na ang edad na hindi naman pipi o ngongo pero dispalinghado pa rin kung magsalita? halimbawa cocom bond (coupon bond). Sabi nung teacher sa kanyang mga estudyante… “class get a piece of cocom bond, magdo-drawing tayo ng bundok” sumagot naman 'yong isa nyang estudyante “ma’am pwede po ba sa nok book muna (note book) di kasi ako nakapagdala ng cocom bond e” “ano? Kanina wala ka ring dalang golpen (ballpen) kaya nanghiram ka lang sa kaklase mo, ngayon wala ka ring dalang cocom bond” “ma’am sorry po hindi na mauulit” sagot nang estudyante “puro na lang sorry! sorry! Ano ka per-syir? (First year) aba! tandaan mo ter-dyir (Third year) high school ka na!… tingnan mo yang itsura mo, baket naka sanilas (tsinelas) ka lang ngayon?” “ma’am pasensya na po basa pa po kasi yung sipatos ko (sapatos)” pangangatwiran nung estudyante. Kakatuwa ano? parang usapan ng mga lango sa rugby. Pero marami talagang ganyan magsalita, salitang di mo alam kung saang planeta nagmula. Marami pang halimbawa ng ganyang mga salita, halimbawa pa: nakakain ka na ba ng FRIEND fries (French fries) o hambOr-Jer (hamburger) sa JOE-llibee? (Jollibee), e nakakain ka na rin ba ng iklog (itlog) na may hakdog (hotdog) tuwing umaga pagkatapos mong mag-exOrcise? (Exercise), siguro naman bagul gam (Bubble gum) nakatikim ka na? Alam mo rin ba na masarap magka- gElfren? (Girlfriend) ang feeling mo para kang na-kurENte (kuryente) kapag inlove ka, kelangan mo lang talaga ng tARbaho (trabaho) para meron kayong pang-date. Parang usapang addict lang talaga kapag ganyan ang maririnig mong kwentuhan. Meron pa akong narinig tungkol dun sa huling laban ni Pacman na ginanap daw sa Malanday Bay (Mandalay Bay) sa Las Vegas, Malanday? diba sa Malabon lang yun? yung syudad sa Metro Manila na laging binabaha. Anyway kilala mo ba si Bong Joey? Oo si Bong Joey… yung kumanta ng Bed of Roses (Bon Jovi). Hirit naman nung isa “pare relak (relax) ka lang, mag-Andok (Andoks) muna tayo dyan sa tabi ng Caltek (Caltex)”. Meron pa, ganito naman ang banat: pare kung masakit ang mga dyu-went (joint) mo pahiran mo lang yan ng bibi uwel (baby oil) sigurado sa sunod na laro natin makaka-three pu-wents (points) ka na nyan!” Santisimatrinidad! Hindi mo malaman kung kanino mo isisisi ang ganitong mga pangyayari, sa gobyerno ba na dahil sa bulok na sistema ng pamamalakad nila sa programang pang edukasyon kaya ganyan ang lenguaheng alam ng ilang Filipino o sa mga tatay at nanay natin na di man lang inayos ang pagkakagawa ng ating mga dila. Isa lang ang maipapayo ko sa mga taong ganito kung magsalita, try nyo kumain ng inihaw na “pepe ng baboy”… sabi ng matatanda pampatatas daw yan magsalita.
picture by: kamalayan/flickr.com
Sunday, June 7, 2009
pepe ng baboy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


40 umutot:
based!
inunahan ko na kayo...
o ayan! balik uli sa kalokohan, ewan ko ba sa iba parang naninibago sila kapag gumagawa ko ng seryoso... para sa kaalaman ng lahat serious writer po ako, na-dengue lang kaya nasiraan ng ulo, lolz...
yaikz!
inihaw na pepe ng baboy?..mas masarap daw yun pag hilaw. mas magata kaya tiyak mas maganda ang pagbigkas ng salita..ang pusa magiging pucha..hehehe..joke!
@pogi -di kaya mangalay panga natin sa kangunguya nun? buti kung sa ta* yun, ahehehe...
nadinig ko na rin yan, at sa probinsiya uso pa rin daw yan... pero wala namang pagbabago, ganon pa rin bulol pa din... me titser din ako noon na ganyan bulol...
pero okey mga titulo nang mga post nang mga blog na napupuntahan ko ha?
kanina lang "Umaga na Hinugot", ngayon naman "Pepe" aheheheks...
@rhodey -saan ba yung umaga na hinugot? mahanap nga rin... lolz!
Hehehe :D Habang nagbabasa ko, nag iisip ako ng iko-comment ko, mga salitang pa bulol din bigkasin..putek!!kakabasa ko nabanggit mo lahat ng naiisip ko eh lolzz
Taklong(3) salita na ung naisip ko bandang huli binanggit mo rin lolzz
@lord -naunahan ka ba? ahehehe
salamat sa pagdalaw parekoy!
ang bastos haha!! joke!! sabi nga daw ung mga madadaldal pinkain ng keps ng baboy haha!!!
salamat ulit sa support Tonio! :P
@homer -no problemo amigo! salamat sa pagdalaw!
Aray tumagos [[:
Ganyan ako minsan magsalita, ewan ko ba.Naadopt ko siguro sa sorroundings ko :|
@cayy -buyuy ka rin pala... ahehe
hahaha!
namiss ko naman yung kapatid kong bunso..
meron kasi syang sariling diksyo nung natuto syang magsalita
publos - (pulbos)
hatatoteituyu- (happy birthday to you)
yate- (ate)
hehe!
eh diba pag pinakain nyan ang bata, magiging sobrang daldal?
hmm..sabi lang ng nanay ko?hhehe
@jenskee -ganyan din anak ko, noong bulol pa sya, kuntuter tawag nya sa computer. pero meron syang salitang hanggang ngayon nahihirapan syang sabihin, yung "kalatagang katagalogan"... hehe kahit matanda yata magkakabuhol-buhol ang dila dyan... lolz
mintan kati uto lang...,,este..ano ba yun? Nahawa ata ako',kuya nakakarelatepo kasi ako eh kahit sausapang mga bakla, sa medyo namn palya may kuya kasi akong ngongo pero naiintindihan ko po naman..no need ng pakinin ng kep-z ng boyba eh..in born..hehehe...yehey walng ng tension...weeeehhhh...
naku naman! parang ayaw kong tikman... ahihihihi!
buti na lang hindi ako utal... nga lang hindi maiwasang makabanggit ng salitang style Quezon at Batangas...
matam-is
but-o
bag-ang
magagamot din ba un ng title mo?
mabuti na lang at nagkakaintindihan pa rin kahit ngongoan ang istilo ng usapan.
ang tagal kong nagets yung title na "pepe ng baboy" hahaha
@seaquest -nakakahawa ba? parang virus... pero lam mo jan minsan ako naiinis kapag may mga baklang naguusap sa harap ko, wala kasi akong maintindihan e, ahehe
@azel -about dun sa word na matam-is o bag-ang, meron akong kakilala taga mount province, ang apelyido nya Bay-ag, buti na lang may dash sa gitna, kung wala patay na...
@arjay -yun daw kasi ang isang gamot para maging matatas magsalita ang bata peps ng baboy.
salamat sa mga dumalaw...
hahaha lupit naman nag isip mo Tonio...
Lagi ko maririnig yan sa nitibong ko lingwahe... sanilas,babol Gam, Exorcise, yun talaga ang gamit naming salita..di yun nabubulol ganun lang siguro kaming mga bisaya..matigas.. pag nag bigkas....kaya minsan napagtatawanan... ng iba...di ko nilalahat ang mga bisaya merong namang iba hindi.. pero ako kadalasan ganun... tulad ng Trisikol,Angkol (uncle), Gogol, maraming pang iba heheheh'pero mga anak ko ang galing mag tagalog parang di bisaya sa kakapanuod ng teleserye hehehe..
Ayos parekoy....
Ipinapakita lang nito kung gaano ka-creative ang mga Pilipino na kahit ang pormal na pagbigkas ng ating wika eh binabasag nila. :)
madalas kong dinadalaw itong site mo, ngayong nga lang ako nagkaroong ng pagkakataong magkumento. sana mapadalaw ka din sa akin.
magaling ang kaisipan mo kaibigan, nakatutuwang katotohanan.
@bommz -nako ganyan din ermat ko magsalita, waray kasi si mama. wala tayong magagawa don, hehehe at least matigas man ang pagbigkas nila tama naman yung tinutukoy nila.
@jd -islang baga, hehehe salamt jd!
@bukayo -salamt sa pagdalaw, walang problema pagkatapos ko dito pasyal agad ako sayo.
Ahahahhaha kawawa yung lamok na nagpadengue sayo...lolz.... Buti na lang hindi ako pinakain ng ganun... kung sakali man... kahit sanggol pa ako hahabulin ko yung baboy at papatayin para bago pa ako makapagsalita eh wala na yung baboy... jijijijijiji... pero ngayon pag-iisipan ko---baka lang may kakaibang babe-oy...game ako! Hahahahhahahahhahahaha
@xp -putsa ako din! kapag pepz ng babe-oy game ako...ahehehe (baka tamaan tayo ng kidlat nito parekoy!)
wahahay!
ang dami kong natutunang bagom words. salamat
@paps -uy may bayad yan, ahahaha
salamat sa pagdalaw parekoy!
namiss mo ba ko kuya...ahahaha
medyo nahuli nga ako dito ah...
medyo nagpahinga lang kuya ng de-stressed...hehe
yung teacher ko sa hi-skul tawag samen...gels (girls)...tska sira siya sa "h"...nakakatuwa siya,hehe
my friend naman ako sira sa "r" kaya di talaga nila mabigkas yung words ng maayos.
@deth -di lang siguro ako sanay na walang pagala-galang panget dito, kaya hinanap kita, ahehe...joke lang po baka ma-toinkz na nman ako!
keep safe po!!!
Lolz...
halos lahat nabanggit ,ah...wala na tuloy akong mahirit pa...hahah...
Kampay parekoy!..
@PaJAY -salamat sa pagdalaw prof!
cheers!
Sabi ni manang sa'kin pina kain daw nila ako ng KEPAY ng BABE noon kaya direcho daw ako magsalita pero wala naman daw ako preno kakadada! ayun ata side effect non!ahaha
wahhh!! di ko lam kung anu ung pepe ng baboy... :( maliwanagan sana ako. hehe..
kakatuwa magsalita ang mga pinoy. pinoy nga naman! yahoo! haha!
TOINKZ!!! ahahahaha...lol!
@missgiuded -nasobrahan naman yata, lolz
@chikletz -anu kaya kung magkaroon ng bukod na bentahan ng peps ng baboy no? "isang kilong peps nga po ng baboy"..yaikz! sagwa no?
@deth -toinkz ka din, ahehehe!
salamat sa pagdalaw...
anung lasa nung pepe ng baboy?maalat-alat din ba?lols
ako din bulol pg minsan ako lng nakakaintindi sa mga sinasabi ko,lols
May kilala akong biglang nabubulol kapagka kaharap iyong nagugustuhan niya. Dapat pala magbitbit siya nun para anytime anywhere meron agad. Lolz.
Gawing bubble gum.
@da king -anung maalat-alat? parang merong kang nakaing pepz na maalat-alat ang lasa a!lolz!
@bingkay -gawin ba namang bubble gum! ahehe
salammat sa mga kumentaryo...
ang Malanday ay sa Venezuela. (Valenzuela) hehe.
@turon -ganun ba?hehehe salamat sa pagtutuwid parekoy! (now i kno!) lolz
hehehe nakakatuwa naman yung post.. isang realidad nga. ay pero kuya alam ko yung malanday sa valenzuela po. padagdag sa list pawo-pawo (paru-paro), endrolment(enrollment).
@niqabi -salamat sa info, waaaa payo-payo, endrolment... oo nga no, dami ako naririnig na ganyan...
salamat sa pagdalaw...
Post a Comment