Tuesday, June 9, 2009

respeto





Respeto

Simpleng kaisipan… na hindi makita sa ilan.

Kung may respeto sana tayo sa batas trapiko, hindi natin gagawing manuhol sa traffic enforcer na humuli sa atin dahil sa hindi natin pagsunod sa simpleng traffic rules. Kung may respeto sana ang traffic enforcer sa batas trapiko at sa kanyang sarili mismo, di nya papayagang suhulan sya ng isang traffic violator.

Kung may respeto sana ang politiko sa mamayang Pilipino, di nya gagawing bilhin ang boto ng tao para lang muli syang mailuklok sa pwestong kanyang hinangangad. Kung may respeto sana sa sarili ang botante di nya gagawing ibenta ang kanyang boto na katumbas na rin ng pagbebenta nya ng kanyang sariling kalayaan.

Kung may respeto sana ang magkakapatid na Kristiyano at Muslim sa Mindanao, tapos na sana ang digmaang wala namang katuturan. Kung may respeto lang sana sa paniniwala ng bawat isa, sa libro na lang sana ginagasta ang salaping ipinambibili ng mga bala ng mga sundalo para ipangkitil sa buhay ng kapatid nyang Pilipinong Muslim sa Mindanao.

Kung may respeto sana sa kalikasan ang bawat isa, wala sanang namamatay sa mga landslide kapag malakas ang ulan, wala rin sanang mga kalyeng lubog sa baha kapag pumapatak ang ambon. Wala rin sanang mga nakakalbong kagubatan at kabundukan, at meron pa sanang tirahan ang mga ligaw na hayop sa Pilipinas.

Kung may respeto sana sa batas ang lahat ng mga negosyante, malaking tulong sana sa bayan kung nagbabayad sila ng tamang buwis, kung lahat sila’y sumusunod sa batas wala sanang mga menor de edad na nagiging biktima ng child labor.

Kung may respeto sana sa kanikanilang mga kabiyak lahat ng mga may asawa na, wala sanang battered wife, wala sanang tinatawag na domestic violence, wala rin sanang pagsasamang nauuwi sa deborsyo at wala rin sanang tinatawag na broken family.

…kung may respeto sana tayo sa sarili natin mismo, hindi sana natin nakakaligtaang magbigay ng respeto sa kapwa Pilipino natin.

Respeto. Kung meron lang sana tayo nito naabot na sana natin ang kaunlarang inaasam.

27 comments:

Lord CM said...

Sana nga ganun lang kadali...pero dahil sa mga nakapaligid sa atin, tayo mismo nawawalan nang respeto sa iba...kahit sabihing simulan ang respeto sa sarili kung ang iba naman ay wala nito, wala pa ring mangyayari...

tonio said...

@lord -tama ka parekoy, walang iniwan sa isang driver na nagiingat sa pagmamaneho, kaso yung mga kasalubong nya walang ingat, kaya ayun nadamay din sya sa aksidente.

chikletz said...

it takes two to tango.
it takes a team to win.
be a leader, but learn to follow.

tonio said...

@chikletz -galeng naman ng line mo chikletz... i agree with you on that

salamat sa kumento

A-Z-E-L said...

MAHUSAY ANG PAGPAPAHAYAG MO TONIO.

malinaw na kailangang LAHAT ay may respeto sa isa't isa.

kung ganon lang sanang kadali na turuan ang aso na hindi umihi sa halamanan ng mommy ko, sana'y buhay pa ang bulaklak namin. kinailangan pa syang batuhin ng daddy ko ng tsinelas para matutunan nyang irespeto ang mga halamang nagpapangiti sa mommy ko tuwing umaga.

ayus sana ang mundo kung lahat ay may RESPETO... payapa sana... kaya lng puro SANA! SANA! SANA!

J.D. Lim said...

Kagaya ng lahat ng mga nais nating gawin, sobrang simple, madaling sabihin, pero mahirap gawin.

DETH said...
This comment has been removed by the author.
DETH said...

naalala ko minsan sakay ako ng bus pa-ortigas...sinita ng MMDA ang bus driver namin sa isang intersection. Ang siste, si mamang MMDA pinapa-go si bus driver...si bus driver tumigil sa kabilang kalsada ayaw mag-go dahil trapik pa sa kabila kapag bumuntot siya at mag-go ang kabila lalo lang hindi makakalusot ang mga nasa kanan..."nag-explain kay MMDA at nag-sori"...

Kundoktor: Bobo kase tong MMDA na'to e! dati lang kaseng tagawalis!
Bus Driver: Pare wag ganun...nakita mong naka-uniporme yung tao, babastusin mo ng ganun. Igalang mo siya kahit na ano pa siya, ikaw di ka ba masasaktan kapag alipustahin ka ng kapwa mo na dati ka lang taga-walis...wag ganun...

Napangiti ako ni mamang driver, isang simpleng tao na marunong at nakakaintindi ng salitang RESPETO:D

=supergulaman= said...

respeto... mahirap ba talagang gawin ito...kung samahan kaya natin ng pagmamahal,mahirap pa kaya...

pero sabi nga nila...hindi natin basta ibinibigay ang respeto...kinikita iyon...

golden rule..."gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin sa iyo... ^_^

tonio said...

@azel -yun lang ang problema, minsan kahit sinisimulan na natin sa sarili mismo natin ang "respeto" yung iba naman ang hindi rumerespeto sayo... tsk! kaya puro sana ang nangyayari...

@jd -tama ka parekoy, napaka hirap nyang gawin.

@deth -sana lahat ng tao kagaya ng ikinwento mong tsuper...

@super G -kaso yung iba manhid, o kaya naman nanadya talaga, kahit anong respeto ang gawin mo sa kanila parang bale wala pa rin. ano kaya kung sa bawat respetong ginagawa mo may kapalit na pera? siguro marami ang magkakaroon bigla ng respeto...

salamat sa mga nagkumento..

SEAQUEST said...

Minsan daw kailangan din maramdaman ng isang tao kung pano cia hindi irespeto thru with that natutunan nia kung ano ang kahulugan ng salitang ito...

Mokong™ said...

Inaamin ko, isa ako sa galit sa mga hindi masunuring tao o matigas ang mga ulo sa pagsunod sa mga batas...
Guilty ako dahil isa ako dun...
madaling manisi ng ibang tao pero sa sarili hindi gayang gawin...

I am Xprosaic said...

Respeto!? San ba makabili nun???... bibili ako marami.... jejejejejeje... tapos pamimigay ko ang iba... hahahhahahaha... tama sila... sana nga ganun lang kadali... jijijiji

tonio said...

@seaquest -siguro nga, para maramdaman din nya yung sakit ng di nirerespeto.

@mokong -lahat tayo minsan nahuhulog sa pagkakamali, pero kung paulit-ulit na iyon 'yon na rin siguro ang tinatawag na kawalang respeto.

@xp -mahal yata ang respeto parekoy, kaya madalang ang meron nun, ahehehe...

HARI NG SABLAY said...

ok lang kahit hindi respeto basta wala lang bastusan.

ego na ng tao ngpapagana sa salitang respeto,

mga kapatid ko nga walang respeto sakin eh,lols

ang mahalaga marunong kang magpakumbaba.

tonio said...

@da king -oo nga no! di baleng wag irespeto basta wag lang babastusin.

apir parekoy!

abe mulong caracas said...

kaya dapat tlaga

AKO MISMO!

Dhianz said...

hayz... yeah.... like sabi ni kuya CM... dehinz madali.. human nature nde naiiwasan magkamali... pero true we can all make a difference... and it should start w/ You! hehe... ingatz =)

tonio said...

@mulong -tama parekoy! ako mismo rerespeto sa sarili ko.

@dhianz -oo naman, wala namang taong perpekto, si mang perpekto nga perfect na ang pangalang pero sumasablay pa rin, ahekz.

Yza said...

teka tonio papalag lang ako dun sa unang statement mo tungkol sa mga trafic enforcer at motorista. araw araw akong sumasakay ng fx sa cubao pauwe. karamihan ng fx driver nagiging friends ko (friendly ako ket ba? :p) alam mo ba minsan kailangan nilang suhulan ang trafic enforcer dahil bawal magsabit ng sign board sa windshield eh totoo naman nakakangawit kaya maghawak, saka anung klaseng batas ba yun bawal magsabit ng sign board sa windshield. wala lang nabanggit ko lang naalala ko kasi un mga FX driver na kaibigan ko. :p

missy said...

basta naniniwala ako na ang "respect hindi hinihingi yan ine-Earn yan"
nasa sa atin yan kung dapat ba tayong i-respeto base sa mga ginagawa natin.

aun lng :)

tonio said...

@yza -di ko rin alam reason baket bawal magsabit ng sign board, basat alam ko bawal yata talaga yun.

tonio said...

missy -oo nga naman, kahit pa nga hingin mo ang respeto kung di ka naman karapat-dapat irespeto palagay ko mapapahiya ka lang.

salamat sa comment.

JETTRO said...

Parekoy padaan

kung hindi natin makita ang respeto nila sa atin...

Ipakita natin sa kanila kung paano magrespeto.

Good day parekoy.

tonio said...

@jettro -di man nila ibalik ang respeto sa sa atin, wala sa atin ang idprensya. ang mahalaga marunong tayo rumespeto.

PaJAY said...

"respeto" ang nasa gitna ng respesix at respewalo.respeto...hahaha...takteng yyan..masarap basahin ang mga KUNG MERON SANA parekoy..kaso wala,eh..sadyang ganun ang ibang tao..tingnan mo ako..seryoso ang post mo tapos kalokohan ang kumento...diba walang respeto?..hehehe....peace tayo parekoy!...

nice post...

tonio said...

@PaJay -at least di mo ko minura sa kumento mo, may respeto pa rin, ahahay...

salamat sa pagdalaw prof!