Tumilaok na ang manok, alas-tres na nang madaling araw,wala nang palabas sa TV, sumuko na ang pati si Bro. Mike. Pipilitin ko ng matulog, no choice kundi magpaantok. Oops! Takte! Ben 10 na, tirik na pala ang araw. Ayoko pang bumangon, wala din namang gagawin… pero kumakalam na sikmura ko, luto na lang muna ng pansit canton. Batong-bato na ako kapapanuod ng Pinoy Henyo. Pagkain? Makikita sa banyo? Tagalog? Hayop ba ‘to? Tao ba ako? Araw-araw na lang akong ganito, di makalipad, bali ang pakpak ko, di makagala kapos ang pamadyak ko. Ang hirap ng walang sariling balon… nakakabwisit ang walang sariling bukid. Mahirap namang magtanim kung wala kang binhi, lalong mahirap magpalaki ng halaman kung puro dilig lang at wala namang abono, pero pinaka mahirap pa rin syempre ang maglaba ng walang sabon. Sawang-sawa na ako! Pitong beses ko nang tinapos ang Plants vs. Zombies, gusto ko namang maging produktibo pero papaano? Hapon na naman, umeere na naman si Mel at si… excuse me po! Malamig na rin ang panahon, kumukutitap na ang kapaligiran, “sa may bahay ang aming bati, merr…” patawaddDD! “Tenk kyu!… tenk kyu!… ang babarat ninyo fuck you!!!” Tangina nyo! makagat sana kayo ng aso!!! Buti pa sila feel ang xmas, naghihintay sa pagdating ni Santa Claus. Paldo-paldo ang bulsa, kabikabila ang bonus. Ako ‘eto tila inuunos. Kelan kaya magiging maayos? Kelan kaya ako mapapanuto? Gusto ko namang ituwid pero bakit laging “to the left…to the left”? magaganda naman ang aking plano pero baket laging nababasyo? Is there something wrong with me? Huh?!!! Siguro nga… siguro nga nasaken ang diperensya… di bale bawi na lang ulit… erase… erase… erase… pwede namang ireset diba?
pic by: armaneugenio www.flickr.com



6 umutot:
ang muling pagbabalik...
hehehe... sobrang sikip ng mundo sa dami ng ginagawa kaya di makakilos...
salamat sa pagdalaw sq
ang ganda ng pagkasulat. maraming salamat. naginhawa ang utak ko habang binabasa ang letra nyo.
parang flight of ideas lang. peace! hehe :)
welkambak katoto.
Post a Comment