hindi lahat ng fairy tales happy ending ang katapusan
hindi lahat ng istorya maganda ang kinahihinatnan
hindi lahat ng buhay masaya ang hulihan
hindi lahat ng pagmamahalan nauuwi sa kasalan
may pagkakataong naghihiwalay sa huli ang prinsipe at prinsesa
may mga bidang sa huli ay napapaslang
may mga buhay na kapahamakan ang kinauwian
may mga pusong luha ang sa huli'y kinasadlakan
subalit isipin natin at pakatandaan
lahat ng bagay ay may dahilan
masakit man ang ngayo'y nararamdaman
tiyak na bukas ang kapalit ay mainam
paalam...
4 comments:
totoo, wala naman talagang "happy ending"... ang pagiging masaya is bahagi ng journey natin... hindi sya destinasyon, isa itong paglalakbay...patuloy syang magbabago sa pag-inog ng panahon...
kung malungkot ka ngayon, hindi pa yan tapos..bukas..sa isang araw, sa mga susunod pang araw...hindi ka ba magiging masaya...
kung anung meron ka ngayon, yan pa lang ang simula ng bukas...:)
-supergulaman
sang ayon ako sa sinabi ni SG, nasa kung paanong naaapreciate natin ang ating paglalakbay nakasalalay ang ating kaligayahan at ang happy ending e nasa ating isip lamang!
ingat lagi parekoy!
sg /aim -salamat sa pagdapo mga parekoy...
tonio ikaw ba'y namamaalam n nmn sa mundo ng blogsperyo?
Post a Comment