Saturday, March 24, 2012

ayokong sumali sa contest ng Damuhan



alas-dos pasado na ng gabi... este umaga na pala, sign off na ang karamihan sa TV station, wala na rin ang ingay sa paligid puro huni na lang ng mga kulisap at kahol ng aso ang maririnig at ang panaka-nakang sigaw ng... baloooOOOttt!!! nakabukas ang computer, open ang microsoft word pero wala itong laman at ang nagbi-blink lang na cursor ang makikita dito, hanggang ngayon kasi wala pa rin akong naiisip na istoryang maisulat, gusto ko kasing sumali dun sa patimpalak ng isang blog site pero anak ng baog na galunggong! blangko ang kakarampot kong utak, mahina yata talaga ako pagdating sa pagsusulat at panitikan... tayo muna ako sa harap ng monitor, jingle muna sa banyo, paglabas ng c.r. deretso sa refrigerator, inum ng isang pitsel na malamig na tubig... aghhHHH!!! putsa! sobrang lamig! parang kinuryente ulo ko! upo muna sa sofa sabay sindi ng yosi para kumalma at makapagisip-isip muna... teka may naisip akong topic, balik uli sa harap ng monitor... pindot sa keyboard... ta-ka-ta-ka-ta-ka-ta-ka-takkk! sandaling nagisip... nagkamot ng betlog -select all, delete! tsk! ampanget ng pasok! di ko alam pano ko lalagyan ng intro yung naisip kong tema... larawan ako ng isang desperadong manunulat... matutulog na nga lang ako, wala ako sa kondisyong magsulat ngayon... shut down na muna ang pc, pagkatapos ma-proper shut down balik uli sa banyo, hilamos at toothbrush muna bago mahiga... akyat na sa kwarto para matulog, mahimbing na si misis pati na ang anak namin... humiga na rin ako, ipinikit na ang mga mata... hayyy pakiramdam ko isa akong lipas na bayani... nang bigla akong napabalikwas may naisip akong magandang entry... tayo` uli ako, takbo pababa sa hagdan, deretso sa computer, nang nakabukas na ang pc para namang bulang naglaho ang laman ng utak ko, blangko na naman ang isip ko... tila lumilipad na parang saranggola... anu baaA!!! gusto kong magsulat pero baket parang tuyot ang isip ko?!!! kelangan kong makagawa ng istoryang malupet! parang gusto ko nang itaob ang munti naming silid-aklatan sa inis... nabuburyung na ako! tayo ulet ako, habang hinahagod ang ulo ko na tila walang laman sa pagkakataong `yun... tak-ti-laooOKK!!! namputa! umaga na!!! maya-maya tindero na ng pandesal ang sisigaw! kagawaran ng talino sa langit (meron ba nun?) tulungan nyo po ako... pagkalooban nyo po ako kahit na konteng talino... sandali akong humarap sa salamin... tinitigan ko ang malamlam kong mga mata, muka na akong adik dahil sa puyat... daig ko pa ang kinulam at pinaglaruan ng santambak na maligno... habang pinagmamasdan ko sarili ko, nagulat ako ng bigla akong bulyawan ng repleksyon ko sa salamin... gago! adik ka ba? di ka mananalo sa contest na `yun dahil meaning nga ng salitang "hinuha" e hinde mo pa alam! tanga!! pogi ka lang pero di ka magaling!!! wag ka nang sumali sa contest ng Bagsik Panitik ng Damuhan na yan!!!...


ang posteng ito ay entry sa Bagsik Panitik ng Damuhan

37 comments:

Bino said...

salamat sa paglahok :)

antz said...

salamat sir...

jean said...

nabasa ko na yung ibang entry, pero sayo yung kakaiba. anlupit ^_^

Anonymous said...

nice one sir

antz said...

salamat salamat...

Akoni said...

ganito gusto kong style ng pagsusulat.

antz said...

@akoni- salamat sa komento parekoy :-)

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa na ako sir sa entry mo..
sa kabila ng kung anoanoman,ayun at nakabuo.tama kakaiba ang entry na ito,at goodluck para dito sir!:)

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa naman ako sa entry na ito sir..sa kabila ng lahat eh nakabuo din...tama..kakaiba ito,at goodluck para dito sir!

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa naman ako sa entry na ito sir..sa kabila ng lahat eh nakabuo din...tama..kakaiba ito,at goodluck para dito sir!

antz said...

@ jay rulez - mukang natuwa ka nga sir... tinatlo mo comment e...anyway salamat sa pagdalaw at suporta...

Berlim said...

astig din nito....

antz said...

@belim salamat sa pagdalaw...astig tayong lahat...

Palomah said...

ayaw mo? pero may entry ka? hehehe! napakahusay mo! palakpakan!

bagotilyo said...

ibang istilo ayos to ang lakas ng appeal .. hehehe

Gudlak :D

palakanton said...

galing parang kausap ko lang yun author habang binabasa ko eyo.

antz said...

@palomah... walang maisip mam kaya ganyan kinalabasan..salamat sa pagdalaw..keep safe

@bagotilyo... para maiba lang sir...
hehehe...salamat sa pagbisita

@palakanton... salamatsa kumento sir, balik-balik kayo...hahaha

J. Kulisap said...

Isang ito iba din. Kunyari ayaw pero ang daming nasabi. Hahahaha.

Ibang tirada lamang pero lumabas 'yong totoong nagaganap sa isang blogger/manunulat. Kung kailan ka may naisip isulat na ideya, mawawala naman kapag nagsimula nang sumulat.

:)

antz said...

@j. kulisap...talagang ganun sir...may maisali lang...hehehe, salamat sa pagdalaw...

McRICH said...

sa palagay ko, isa to sa aani ng tagumpay, congrats syo!

antz said...

@McRich magdilang anghel ka sana sir...hehehe...salamat sa pagdalaw...

Zen said...

Ahahaha.. Sorry po kuya ha.. Natuwa talaga akong magbasa nito. Laugh trip.. Ang galing ng idea, original to.. hehe

antz said...

@zen salamat sa pagdalaw mam...

LordCM said...

hmmm, akala ko nawala ka na, nung napasyal ako dito sa pahina mo narealize ko ako pala ang nawala! lolzz

astig pa rin parekoy, walang pinagbago sa pagsusulat :)

Aj Banda said...

ang kulit.. nagustuhan ko entry mo! parehas tayo, di ko rin malaman kung pano gagamitin ang salitang "hinuha" ahahahaha

antz said...

@lord salamat sa pagdalaw parekoy... yaan mo dadaan din ako sa teritoryo mo...

@aj banda paraparaan lang para maipasok yung mga words :D

denggoy said...

natawa ako sa entry mo sir.. hehe. gudlak sa contest!

antz said...

@denngoy -sir salamat sa pagsilip mo... salamat din sa "good luck" hehe

reigun decena said...

malupit!

antz said...

@reigun -malupet tayong lahat sir :D

Anonymous said...

maghapon kong binasa yung mga entry sa contest itong sayo ang kakaiba. parang indi film dating nito.makulet pero may direksyon.saken ito ang panalo.kaso di ako ang judge:-) goodluck!

antz said...

@anonymous -sir/mam salamat sa pagdalaw...sana nga ikaw na lang ang judge...hahaha salamat ulet...keep safe

jenny said...

nagbasa aku ng ibang entry mukhang sayo ang panalo eh..... kakaibang style ang ginawa mu

Anonymous said...

Cool na entry.
Kung botohan to, dito ang boto ko.
Good luck ser! ;)

antz said...

@jenny & anonymous -salamat sa pagdalaw...salamat sa suporta :)

BON said...

hahah taragis! na enjoy ko to!! ^ ^ malayang panitik naman kaya pasok padin!! astig nung kagawaran ng talino haha!

taga-bundok said...

Nagbasa. Humusga. Hindi ko alam bakit naka-block ito sa service provider na gamit ko kanina. Yun na nga... kaya rin madalas wala ng update ang blog ko dahil sa blankong isipan. Naka-relate. Good luck. :)