Tuesday, April 24, 2012

paraiso





...binobomba ng tubig sa EDSA at Mendiola upang ipaglaban ang naaagrabyadong karapatan...papaano'y ibinubulsa ng mga namiminuno ang kakarampot na nga lang na salaping sa mga pobre sana'y nakalaan...isinusuka na ng taong bayan kapit tuko pa rin sa pwestong kanilang pinagiinteresan...paano'y di naman pagsisilbi sa bayan ang asam kundi ang maging diyos na makapangyarihan...

...kabi't kabila ang digmaan...ilang dekada nang nagaaway dahil lang sa prinsipyong ipinaglalaban...maggalangan na lang sana't magbigayan kapwa tayo mga nilalang ni Bathala na magkakapatid at di magkaaway...iba man ang relihiyon at kultura wag sanang magpatayan...

...hindi makatulog ng mahimbing kahit na nasa sariling tahanan papaano'y di na ligtas ang kapaligiran...nagkalat kasi ang mga taong kampon ng kasamaan...malingat ka lang saglit buhay mo't ari-arian ay parang bulang magpapaalam...di mo na maramdaman ang kapanatagan ng kalooban sa dami ng mga taong ang bituka'y halang...

...lumalabas sa mga lansangan bitbit pa ang kanilang munting mga anak para pukawin ang atensyon ng mga hari't panginoon ng lupa...tangan ang kanilang mga saloobiin na nakalimbag sa 'sandipang karton na nakapako sa kapirasong kahoy...kinakalampag ang kalderong tutong na kanin ang laman sa harap ng naglalakihang bulwagan upang ipagsigawan na ang kanilang mga sikmura't tiyan ay kumakalam...

...humihiyaw ng ubod lakas habang nakakuyom ang mga kamay...tumatagaktak ang luha't pawis sa ilalim ng  mala-impyernong init ng araw...hindi alintana mapasa panganib man ang buhay...pinipilit patibayin ang kalawanging yero na ginawang pangharang sa daan...nakikipagpatintero sa teargas at bala wag lamang maagaw ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting tahanan...

nakakalungkot, nakakapanghina...pero ito ang katotohanan...
wala na nga yata talagang paraiso sa Pilipinas kong bayan...

7 comments:

McRICH said...

indeed a sad truth :(

antz said...

wala na yatang pagasa pa...salamat sa pagdalaw...

Ang Babaeng Lakwatsera said...

awww.. nakakalungkot.. :(

antz said...

@abl -sobra...sobrang nakakalungkot...

~ JaY RuLEZ ~ said...

nakakalungkot pero wag tayo mawalan ng pagasa... sana dumating ung araw na maibsan lahat ang nararansang ito sa kasalukuyan...umaasa pa din ako.sana lang nga..sana...


iniimbitahan ko po kayo sir na lumahok sa nalalapit na ikatlong taon ng kamalayang malaya ni ginoong jkulisap.

mangyaring magpunta lamang dito.
http://kainaman.wordpress.com

salamat sir!

mercy said...

Let us hold on to the hope that everything will be okay.. lahat ng bagay o pagbabago, sa sarili nagsisimula...

David Pascht said...

Nice post!